48

19 2 2
                                    

Nagising ako sa napakabangong pagkain na naamoy ko sa kwarto ko. Hindi naman ako ignorante na kung bakit nasa kwarto ako ngayon kasi naaalala ko pa naman yung nangyari kagabi.

Flashback

Kahit na antok na antok na ako ay pilit pa rin akong ginising ni Bryan Go. Syempre hindi yan magpapatalo.

Sya pa ba?

Maingat naman akong inalalayan ng konti ni Bryan. Yes! Kahit papano inaalalayan nya ako ngayon. Kahit na ang higpit naman ng hawak nya.

Ang saket nga ehh!

Hindi nalang ako kumibo kasi antok na antok na nga ako. At gusto-gusto ko na talagang matulog at makapunta sa kwarto ko.

Maayos naman akong nakapunta sa kwarto ko at nakahiga ng maayos. Ni hindi na nga ako nakapagpalit ng damit dahil sa kagustuhan kong makatulog na.

End of Flashback

So ayun nga. Pero ang ipinagtaka ko? Bakit ko naaamoy yung pagkain mula sa baba ehh napakalaki ng bahay na ipinagawa ni Bryan at napakalayo rin ng dining area?

Nang maimulat ko ang mga mata ko ay may nakita akong babae na naglalapag ng pagkain sa table na malapit sa kama ko.

Hala? Sino toh?

Nginitian naman ako nung babae.

"Hi Maa'm Amber! Magandang umaga po! Ako nga po pala si Pia. Hindi po Pia Wurtzbach ahh? Pia Santos po." masiglang bati naman nito na ang pangalan nga daw ang Pia

Infairness! Ang ganda rin nitong si Pia! At mukhang bata pa.

"Hello. Wag mo na akong tawaging Maa'm, masyadong formal. Mas bata ka lang naman yata sakin ng isang taon. Anyways, magandang umaga rin. At ano yang pagkaing hawak mo?." curious na tanong ko kay Pia dahil sa feeling ko napakasarap nung pagkaing hawak nya

Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Bacon po, Maa'm este Ate Amber. Pero hindi po sya yung iniluto sa mantika. Kundi yung parang sa samgyupsal? Ganun po ang ginawa po namin dito. Kasi sabi po ni Sir Bryan? Kailangan daw po healthy foods ang ipakain sa inyo. Dahil daw po healthy living na po kayo." magalang na sagot naman sakin ni Pia

Aba? May pa-Sir pang nalalaman tong si Bryan Go ahh! Ang arte nya. Halos magkakalapit lang naman yung edad namin nitong si Pia.

"Don't add something like Sir in Bryan's name, okay? Instead just call him Kuya Bryan. That's much better." nakangiting sabi ko naman kay Pia

Mabait ako sa mabait sakin remember?

"Ahh okay po, Ate Amber. Ang cute nyo pong dalawa ni Kuya Bryan. Ang sweet nyo pa!." kinikilig na sabi naman ni Pia

Anong sweet saming dalawa? Halos magpatayan na nga kaming dalawa ehh!

"Hehe. Thank you." sabi ko nalang

Syempre kailangan todo acting tayo.

Kinain ko nalang yung inihanda ni Pia at sya naman ay umalis na dahil may gagawin pa daw sya.

Napakasipag na bata! Sanaol!

Nang matapos kong kumain ay iniwan ko muna ito sa table. Maliligo lang ako. Feeling ko ang baho ko na ehh.

Kumuha muna ako ng damit sa cabinet ko. May black and pink na design na sando  dun. Hindi yung sando na nakikita yung kaluluwa ha? Yung disente pa rin tingnan. Tapos kinuha ko rin yung shorts na hindi ganun kaikli.

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon