Chapter 6

16 15 2
                                    

"Vinna" anito ng binata na nasa harap ni vinna na hanggang ngayon ay nakasubsob parin ang ulo sa mesa nito .

"Uhm.." Ungot naman ni vinna

"Vinna, are you okay ?" Ani ng binata kay vinna at umupo sa harap ng kinauupuan ni vinna .

"Ohh basty ikaw pala, ah anung ginagawa mo rito ?" Ani ni vinna sa binata habang nakasandal ang ulo sa likod ng upuan nito na nakapikit ang mga mata .

"Ah wala lang, nakasalubong ko kase sa canteen si mary and i ask her kung nasan ka , so here i am " paliwanag ni basty na halatang nahihiya sa kniya sabay hawak sa batok nito .

"Ah nagdala nga pala ko ng foods, here , alam kong di ka nakakain dahil puyat ka daw , a-ah sabi ni mary " nahihiyang ani ulit ni basty kay vinna atsaka nilapag ang dala nitong softdrinks at biscuits.

"Sana di kana nag abala pa ,pero salamat basty " pasasalamat naman ni vinna habang binubuksan ang softdrinks na dala ni basty .

"Uhmm ..sige alis nako vinna uhh dumaan lang talaga ko para ibigay sayo yan" ani ng binata at saka tumayo na para umalis .

"Ah sige basty, salamat ulit ha? Hatid na kita " Ani ni vinna habang hinahatid si basty sa labas ng classroom .

"Ah nga pala vinna, about what i said earlier on the parking lot " ani basty habang kumakamot ito ng ulo na para bang nahihiya pero agad ding sumeryoso at tinitigan si vinna sa mata .

"Hmm ?" Ungot na patanong lang ang naisagot ni vinna kay basty sabay nag angat ng tingin na sakto namang nakatingin din sa kaniya si basty kung kayat nagtama ang kanilang mga mata .

"I think i found a reason to stay , and I'm willing to stake my heart because i think she's worth it" anito bago tuluyang lumisan sa harap niya at naiwan siyang nagiisip sa pintuan ng classroom nila ng kalabitin siya ng kaibigan niyang si mary na kababalik lang galing canteen .

"Woy babae tulaley ka dyan ? Anyare ?" Usisa nito sa kaniya ng kaibigan habang pabalik na sila sa kani kanilang upuan .

"Wala .. May ano.. Inisip lang ,si eldon di mo kasama ?" Pabago naman ng topic ni vinna sa kaibigan para di na muli itong magusisa pa .

"Hay nako ! Wag mo sabihing inlababo kana don sa tulo laway na yon ha ! Nako vinna wag na wag !" Ani ng kaibigan sa kaniya habang masama ang titig ng mga mata nito sa kniya na ikinatawa niya lamang .

"Oo na hindi ako maiinlab don, sayong sayo na si eldon ,maria hahahah" asar naman ni vinna sa kaibigan na mas lalong sinamaan ang tingin sa kaniya .

"Jusko vinna ! Yuck ! Kadire ka ! Wala kong gusto sa tulo laway na yon noh !" Mariing tanggi naman ng kaibigan niya na ikinatawa lalo ni vinna ng may maisip siyang kalokohan .

"Ay si eldon yun ah ? Bakit may kasamang babae ?" Biro ni vinna sa kaibigan niyang si mary na ngayon ay mas lalong sumama ang itsura na parang animoy bubuga na ito ng apoy , sakto lamang na dumaan nga talaga si eldon at may kasama itong babae na marahil ay kaklase nito .

"Ay paktay! Meron nga !" Sulsol pang biro ni vinna sabay tingin sa kaibigan niyang naguusok na ang tenga .

'Ayaw pa kase aminin eh , hahaha in the future naman tumandang dalaga ka din so ishiship ko nalang kayong dlwa hihihi" -- ani ni vinna sa isip niya .

"Hay nako vinna! Hayaan mo nga siya ! Bastedin mo na kay dami naman palang babae niyan eh !" Anito habang patuloy parin sa pagtitig sa kasamang babae ni eldon .

"A-ah chill ka lang mary b-baka nagtanong lang yun" pampalubag loob na sabi ni vinna sa kaibigan ngunit hindi sa kaniya nakatuon ang mata nito kundi kay eldon na papalapit na sa kanila with matching ngiting ngiti pa .

Your Wish Is My Command  (Slow-Update/On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon