It's lunch time and guess where I am?
Heto at kalalabas lang ng room namin at papunta sa building kung saan nagka-klase ang nag-iisang Nathaniel King. And yes, Monday na naman. May pasok na naman.
Masyado kasing pa-importante ang isang 'to at ayaw makipag-meet sa akin kaya ako na lang ang pupunta. Feeling ko nga ang oily na ng mukha ko dahil hindi naman kalamigan sa Pilipinas at wala namang yelo sa paligid ko. Tutal ako rin naman ako makikinabang sa pagdayo ko roon, edi okay. Bahala na, magre-retouch na lang ako.
"Hoy, Sof! Saan ka?"
Napatingin ako sa may bandang kaliwa at nakita kong lumabas na rin si Ryan sa room nila. Sina Pat, Jian, Earl at Chris ay hindi yata namin kasabay ng schedule. Or baka may tinatapos na project. Ang walang kwentang kaibigan ko naman, nakakalimutan ko palagi schedules nila.
Kumaway ako pabalik sa kanya. "Papunta kina Shin! Magkita na lang tayo sa canteen! Ako na o-order ng pagkain ko mamaya."
Ayun na lang at sinabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Medyo pinagtitinginan kami ng mga estudyante kasi nagsisigawan kami. Aba, magkalayo kami, eh. Mas lalo pa silang nagtinginan, and worse, nagngitian pa, dahil sa huling sinabi ni Ryan.
"Ayieee! Sinusundo mo lang naman ang nag-iisang Nathaniel King! Anong meron, ha? Ikaw ha hindi ka na nagsasabi sa amin nila Pat at Jian!"
Alam ko namang nang-aasar lang siya pero kasi ang daming nakarinig. Napatigil ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko alam kung nakita niya, basta nasamaan ko siya ng tingin! "Heh! 'Wag kang issue, ha! May kailangan akong chika roon! 'Wag kayong mag-alala, hindi lang ako ang makikinabang. Kayo rin!"
"Asus, sige na nga! Bilisan niyo ha, baka magdate pa kayo— joke lang!" Tumigil siya sa pagsasalita nang itinaas ko ang sleeves ko at umakmang susugod sa kanya. Sorry na, medyo bayolente ako kumilos. Pati dila ko, medyo bayolente rin.
Pagkatapos noon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. May kalayuan ang building namin sa building nina Shin tapos doble pa ang lalakarin papuntang canteen. Siguraduhin niya lang na may maipapakain siyang tsismis sa akin.
Saglit pa akong nalito kung nasaan si Shin sa building na 'to. Buti na lang ay may nakapagsabi sa akin na nakatambay raw sila sa may hagdan sa 2nd floor. Nasanay na yata ang mga tao rito na 'pag pumunta ako rito ay matik na hanap ko ang pa-V.I.P. na 'yon.
"Hoy, Nathaniel Levi Santos King!"
Halos maglingunan sa akin lahat ng mga tao dahil sa sigaw kong umalingawngaw sa buong hall. 'Di rin nakaiwas sa paningin ko ang matalim na sulyap sa akin ni Shin. Succesful ang pang-iinis ko sa kanya. Hehe.
Nagsikawayan sa akin ang mga kasama niyang lalaki at kumaway naman ako pabalik. Friendly rin naman ako kahit papaano, 'no! 'Di lang talaga maganda ang tabas ng dila ko.
"Hi, Sof. Kumusta ka? May kasabay ka na bang maglunch?" tanong ng isa sa mga, uh, kaklase ni Shin. I think Tommy ang pangalan niya. Hindi siya mukhang parte ng barkadahan nila Shin dahil... No offense, wala siya sa level ng barkadahang 'yon.
Uh, medyo mataas standards ko sa lalaki.
Dahil kasi 'yon sa mga kaibigan ni Shin! Mga gwapo, matalino, talented and sikat sa course nila. Add mo pa na magaling silang magluto. HRM eh. Basta, almost perfect na sila at ang kulang na lang sa kanila ay... Jowa. Hindi, joke lang.
Imbis na ngumiwi ay binigyan ko na lang siya ng maliit na ngiti. I don't wanna be rude kaya sinagot ko pa rin ang tanong niya kahit medyo awkward. "Meron, eh. Sinusundo ko na nga 'tong si Nate at Chris, eh."
YOU ARE READING
Into the Spotlight
Teen FictionINTO THE SPOTLIGHT Puro habulan, puro tayaan. Walang hangganan, walang kapaguran. Magkakaabutan na, pero may mag-iiba ng landas. Nagkasabay na, kaso may nagpahingang isa. Ploy and Nate are both exhausted to even walk. In their game of chasing, wi...