Ika dalawang pu't anim na Pahina

4 1 0
                                    

-26-


Mae's PoV

"Habulin niyo si Iñigo!" Sigaw ni Tito Stevan.

Umiiyak ako at si Tita Imy, kinakabahan dahil sa biglaang pagtakbo ni Iñigo, even the guards didn't managed to stop him. Agad kasi siyang pumara ng taxi para puntahan si Kei. This was my all fault. Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Mae, tumayo ka diyan please. We need to find him." Tugon ni Lee habang pinipilit akong tumayo. Nawalan ako bigla ng lakas sa mga nangyari. This day was his birthday...dapat nagsasaya kami.

Agad kaming lumabas ni Lee para hanapin si Iñigo, hindi ko alam ang address ng simbahan dahil di ko binasa ng buo ang invitation card. Agad na nagmaneho si Lee at sinundan ang GPS niya patungo sa simbahan.

"Asan ka na ba Iñigo?!"

Pinahinto ko ang sasakyan para magtanong tanong kung may nakita silang lalaki na naka hospital attire.

"Ah ate may nakita po ba kayong lalaki na nakahospital attire, matangkad po, maputi?" Tanong ko sa Ale na nagbebenta sa bangketa.

"Wala Miss eh, pasensya na."

"Ah sige po."

"I heard na may run away bride daw sa kasalan dun sa magandang simbahan, nakakaawa nga yung groom eh..." Napalingon ako sa dalawang estudiyante na naguusap.

"Miss saan po yung simbahan na yun?" Tanong ko, baka kasi don dumiretsyo si Iñigo.

"Dun Miss, pagkalagpas niyo sa isang kanto liko po kayo dun tapos makikita niyo na po ang gate ng simbahan."

"Ahhh sige salamat."

Agad kaming tumungo ni Lee sa lugar na yun at nagkakagulo ang mga tao, nagsisialisan na rin ang mga bisita.

"Miss, ano pong nangyari?" tanong ko sa babaeng palabas na ng simabahan.

"Naku tumakbo ang bride, ewan ko ba? Umalis na kami kasi may ikakasal pa raw na iba ngayong araw, dahil nga sa di natuloy ang kasal." Tumango ako at pumunta na kami ni Lee sa simbahan.

"Lee, nakita mo na ba si Iñigo o kahit man lang si Kiefer?" I asked habang hinihingal ako dahil sa kakatakbo.

"Wala eh, nagtanong rin ako sa iba pero wala raw silang napansin." sagot ni Lee, mas lalo akong kinabahan dahil sa nangyayari.

Hapon na at wala pa rin kaming nakikita maski anino ni Iñigo naghanap kami sa bawat sulok ng pwede niyang puntahan dito sa Manila. Nagtanong kami ng paulit ulit pero kahit sino sa kanila ay walang nakakita.

Kei's PoV

"Med hospital po." Tugon ko sa driver ng taxi agad naman niyng pinaandar ang sasakyan at dinala ako sa hospital.

Nagbayad ako sa kanya at di ko na kinuwa pa ang sukli, nakadagdag s bagal ng takbo ko ang gown na suot ko. I should find him. Saan ba ang room niya?!

"Nurse...room number ni Iñigo Viernes?" Nagtataka man ang babae sa suot ko ay di ko na pinansin.

"Room 23 miss." Dahil sa tagal ng last visit ko ay nakalimutan ko na ng room number niya.

"Salamat."

Agad akong tumakbo papunta sa third floor nang may biglang humarang sa daan ko.

"Kei! Your back!!! Pero di pwedeng masira ang plano!" It's Shenna. She grabbed my hair at hinila ako papuntang rooftop, sa pinakataas ng hospital. Di ako nakapalag dahil pagtalikod ko ay sumalubong naman sa'kin si Celdon.

"Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko, pero tinakpan nila ang bibig ko at nakatutok ang baril sa tagiliran ko.

Nakarating kami sa rooftop at bumungad sa'kin si Kiefer habang tumatawa ng mala demonyo!

"You want to know the truth?! Then I will tell you!" Sigaw niya...papalag pa sana ako ng bigla niya akong sikmuraan, madali nila akong natali sa isang tubo at nilagyan ng tape ang bibig ko.

"Telling a story to you is a pleasure to me. My dear Kei!" Muli siyang tumawa ng nakakatakot. Hindi na siya si Kiefer na nakilala ko. Baliw na siya!

"Nung araw na nagcrash ang eroplano na sinasakyan mong tanga ka! Ay agad akong nagimpake para puntahan ka."

Flashback...

Kiefer's PoV

"A plane crashed at the pacific ocean. Wala pa ring nakikitang biktima ang mga rescuer, yan muna ang balita sa ngayon...magandang gabi."

Kaba na ang bumabalot sa sistema ko, hearing that news was so damn crazy! Hindi pwedeng mamatay si Kei! I love her, I need her. Hell No!!!

Agad akong nagimpake at nagbabakasakali na narescue at nakasurvived siya.

Lumabas na ako ng gate at nagabang ng masasakyan papuntang airport.

"Who are you?" I asked when someone blocked my way.

"I'm Shenna, Kei's friend. I heard what happened...sasama ako sayo para tingnan ang lagay niya." Tigon niya sa'kin, tumango na lang ako dahil nagmamadali ako.

"Hanggang kaylan ka maghihintay ng taxi, sakay na!" Maghahating gabi na kaya wala akong choice kundi sumabay sa kanya. Bago pa man ako makaalis ay nakita ko sa di kalayuan ang lalaking sinisigaw ang pangalan ko habang nasa labas ng bahay ko.

"Kiefer!" sigaw nito.

Lumabas ang kapitbahay ko at kinausap ito.

Natatandaan ko siya, siya si Iñigo, crush ni Kei.

"Wag mo na siyng pansinin dahil baka wala na si Kei!" sigaw sa'kin ni Shenna, tumango ako at sumakay na sa sasakyan niya.

"Ms. Shenna saan po tayo?" Tanong ng driver niya ng makasakay kami.

"Sa airport." sagot niya tumango naman ng driver niya at umalis na kami...bumuhos bigla ang malakas na ulan. Mabilis kaming nakarating sa airport at agad kming nakasakay dahil may kakilala si Dad dito sa airport at sa pagkakaalala ko ay business partner niya ang may ari nito. Agad kaming sumakay sa eroplapong papuntang Canada kung saan malapit bumagsak ang eroplanong sinasakyan ni Kei.

I checked out my phone at nakita ko na patay na si Kei.

List of Victims:

'Raul Hernan
Cliff Reyes
Clowe Mir
Celline Davies
Lorenz Davies
Keilly Davies'

Tumulo agad ng luha ko kasabay ng paglipad ng eroplano.

"That's not true she's still alive...kakilala ng Dad ko ang nakarescue sa kanya." Napalingon naman ko at nabuhayan ng loob sa sinabi ni Shenna.

"Eh bakit nakalista siya sa mga namatay?" I asked. I'm too curious.

"You love Kei right?" I nodded. "And I love Iñigo." I look once again to her. Anong gusto niyang palabasin? "Then let's play hide and seek...Kei has an amnesia, nakuwa niya sa nangyaring aksidente. This is your chance to get her." Hindi, hindi ko kayang lokohin ang bestfriend ko!

"I can't." I said.

"You can...di ako magtataka na mapupunta siya kay Iñigo. Iñigo likes her for almost four years but he's in denial. At kung magkikita sila ulit, for sure iiyak ka na lang at magmumukmok dahil nagsayang ka ng chance oara makuwa siya." Napaisip ako sa sinabi niya. Is this the right thing to do?

"Pagiisipan ko." I said.

Inabot ng isang araw ang byahe at nakarating kami sa Canada border.

(Four Chapters left.)

I Love You-UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon