March 15, 2020 isang araw na kung saan simula na pala ng katapusan. Katapusan ng saya, katapusan ng ligaya at katapusan ng kalayaan. Ang dating laya na ating tinamasa ngayon parang kay hirap ng makamtan pa dahil sa umiiral na lockdown. Ang lahat ay nangangamba pano pa ba. Ang iba napilitan na manglimos, ang iba naman ay naghikahos. Walang masakyan at maipara para sana bigyan ng awa para maihatid sa tirahan. Ang araw na ito ay di malilimutan taong 2020 na sadyang kinatakutan. Anu bang meron sa taon na to sana naman matapos na.