Angelous POV
Nakalumbaba ako ngayon habang nakatingin sa aming guro na may pinapaliwanag sa harapan. Ngunit lahat ng sinasabi nya at Waring Malabo dahil sa unti unti nakong linulukuban ng pag Ka Antok. Diko man gustuhin pero diko Maiwasang antukin dahil sa kanyang kahinhinan Mag salita.
Maganda si ma'am cath sa totoo lang crush ng mga kaklase ko at mga kaibigan ko kaso diko nakikita yung nakikita nila sa guro namin. Masyado kase syang maputi at ayon Ang diko nagugustuhan Hindi naman sa Ayaw pero mas nahahalina ako sa mga morenang babae.
Biglang may Pumasok na SSG sa room namin at may dala dala syang papel na binigay nya sa guro namin. Kinuha naman ito ni ma'am cath at binasa Ang nilalaman non at Saka pinirmahan. Pag Katapos nyang pirmahan ay saka nya binalik sa ssg yung papel saka naman nag Paalam yung ssg bago umalis.
"nasan yung president nyo dito?" tanong ni ma'am samin.
"ma'am!" Taas naman ni Allen yung president namin sa loob ng room.
"dahil sa aalis ako ng maaga dahil may meeting ngayon sa faculty ay aatasan kitang mangasiwa dito para sa katahimikan ng section nyo." Sabi ni ma'am cath Kay Allen na puro tango Lang Ang sagot Tsk! Kung diko Lang kilala si Allen iisipin Kong Matino tong tao pero dahil kilala ko sya alam kong nag papalakas Lang naman yan sa mga guro namin Akala mo kung sinong mabait.
Bago pa umalis si ma'am cath ay may pahabol pa syang sinabi Kay Allen na ikinangisi nya.
"ilista mo lahat ng maingay at lahat ng lalabas pag Katapos ay ibigay mo sakin pag tapos ng oras ko sa inyo, o sya aalis nako." Sabi ni ma'am at umalis na upang pumunta sa faculty.
Pag kaalis naman ni ma'am, doon na lumabas Ang mga totoong Kulay nG mga class officers namin kasali naman ako sa officer kaso escort Lang naman ako Kaya hinayaan ko na Lang sila. Yung isa namang kaklase namin at pumunta na sa pisara upang Mag hanap ng mga taong maiingay at yung Ibang class officer naman ay nag dadaldalan at nag tatawanan yung iba ay palipat lipat nG pwesto para makipag chismisan. Pero yung mga Di part nG officers ay nag si tahimik at nag hanap na Lang ng mapag lilibanagan dahil paniguradong maililista Ka Kapag Wala kang kapit o Ka close manlang kahit isa sa mga officers nG nag papatupad nG katahimikan pero sila naman ang nag iingay.
Dahil sa Kanina pako inaantok at gusto ko Munang ipikit ang mga Mata, mas pinili kong umub-ob sa desk ko at Ipinikit Ang mga Mata para kahit papaano makapag pahinga manlang.
Pinakiramdaman ko Lang sila habang naka pikit Ang mga Mata habang ginawa Kong unan yung mga kamay ko para maging komportable ako sa pwesto ko. Naramdaman ko namang may tumabi sakin sa kaliwa ko pero hinayaan ko na Lang at di pinansin.
"gelo Sabi ng tropa, kita kita na Lang daw tayo sa canteen" tumingin ako sa kaliwa ko Kung Saan banda nanggaling yung taong nag salita. Nakita ko naman si Ken yung nag salita isa sa mga kaibigan at tropa ko since first year high school hanggang ngayong 3rd year high school. Gwapo si Ken Kaya madaming nag hahabol sa kanyang kababaihan isa din sya sa f*ckboy sa Mag trotropan. Hindi Lang din sya gwapo kundi dancer din at yung height nya ay 5'9.
"ok" walang gana kong sagot Saka ulit ako nag ub-ob nG muka.
"Kamusta naman pala yung music club na Sinalihan mo? " tanong nya, habang ginagaya nya kung paano ako nakayuko sa desk nG upuan ko. Matagal na din akong sumasali sa music club dito sa school since first year dahil Hindi man sa pag mamayabang maganda naman yung boses ko Kaya Naisipan Kong dito Pumasok. Di naman kase ako pwede sa sports kase Wala naman akong Hilig Kaya mas pinili ko maging member ng club na yun.
"Ayos Lang naman, sa susunod na linggo may intermission ako. kakanta ako Kaya nag prapractice Lang ako Kapag nasabahay na. " Sabi ko naman dito.
"kame din may intermission din, sasayaw kame kaya Medyo busy din. Nood ka ahh wag kang mawawala" Alam ko, always naman kayong may intermission pag may event.
"g*go! Malamang andun ako iisa lang naman yung event kung Saan kame kakanta at kayo Ang saaayaw hahaha" mahina kong tawa sa Kanya.
"Oo ngano Iisang event Lang ta-" napatigil si Ken nung may sumigaw sa harapan.
"HOY! GELO AT KEN MANAHIMIK KAYONG DALAWA DYAN! PARA KAYONG MAG JOWANG NAG DADATE! MGA BAKLA! " sigaw ni Allen saming dalawa ni Ken. Nag tawanan yung mga kaklase namin habang nakatingin samin.
"KAYONG LAHAT ILILISTA! DAHIL SA INGAY NYO! MGA TADO! " bulyaw ni Allen samin.
Nag Pintig na yung tenga ko Kaya Wala pa sa alas Kwarto Tumayo at sumigaw din.
"TARANTADO KA PALA ALLEN EH! PUTANG INA MO KA! PAANO SUSUNOD SAYO YUNG MGA KAKLASE NATIN KUNG IKAW MISMO! KAYO! " turo ko pa sa mga officers na nakikipag daldalalan"ANO! DIBA WALA KAYONG MASABI! BAT AKO NAKALISTA DYAN?! TANG INA! BAT DI NYO ILISTA ANG PUTANG INANG PANGALAN NYO! BAIT BAITAN KAYO SA HARAPAN NG TEACHER TAS PAG WALA! AKALA NYO KUNG SINO KAYO NAG HAHARI HARIAN DITO SA LOOB! "
"E GAGO KA PALA GELO EH!" Sabi ni Allen habang nanlilisik yung Mata. Ako naman ay sinalubong ko yung mga Mata nya na mas higit na iritasyon at Galit.
"tol yaan mo na yan Umupo kana" pag papakalma ni Ken sakin.
"HINDI! DAHIL NAMUMURO NA YANG WALANGYA NA YAN! " inis at Galit Ang nararamdaman ko ngayon tangina gusto Kong bangasan muka nG gago!
Nakita ko namang papasugod si Allen sakin Kaya sinipa ko yung upuan sa harapan ko Papuntang dereksyon nya, inilagan nya ito. Pag lapit nya sakin sinapak nya agad yung muka ko na diko Iniwasan.
"ANO LABAN DUWAG KA PALA E! KAYABANG YABANG KANINA! TANG INA KA! " Sabi nya at nag paka Wala naman nG sipa sa sikmura ko Kaya napasandal ako sa pader.
Nginisihan ko Lang sya at hinahayaan syang gawin lahat at Kapag na Kontento nako ako naman. Nakita ko naman sa Hindi kalayuan si Ken na hinahawakan nG mga alipores nG gunggong na to, yung Ibang kaklase ko naman nag Pustahan.
Pinag patuloy naman ni Allen ang pag sipa sakin Kaya napaupo at ako naman ay hinarangan ko ng mga braso ko Ang ulo ko mahirap na baka ulo ko pa Ang madali.
"Tama na ang pag lalaro" mahinahon Kong Sabi Kay Allen. Napatigil sya sa sinabi ko Kaya ginawa Kong pag Kakataon na makatayo. Bakas pa din ang pag kabigla nung makita nya akong Tumayo at ngumiti nG malapad "ayon Lang ba? " tas palakpak nG dahan dahan habang mas lalong lumalawak Ang bawat ngiti ko. Nakita ko naman ang mga kaklase ko na Parang nakakita nG Baliw sa takot.
Sisipain sana ulit ako ni Allen nG bigla ko na tong pigilan gamit Ang Isang kamay. "sabing Tama na " sabay hila sa paa nya na hawak ko padin sa ere nG Malapit na yung muka nya bigla ko nalang hinawakan yung muka nya gamit Ang isa kong kamay at ibinalibag sya sa pader. Sasapakin nya ulit Sana ako pero ang kamay naman nya yung pipigilan ko at sabay tadyak sa sikmura nya Kasabay nG Malakas na sapak sa muka nya, kinuha ko naman ang kamay nya at linagay yun sa likudan nya Kaya kita ko sa muka nya Ang sakit. Sasapakin ko Sana ulit yung muka nya nung may biglang Pumasok sa room namin.
" Andito na si ma'am! " sigaw nito kaya yung mga kaklase ko naman nag madaling nagsiupo sa kanikanilang pwesto at kame naman ni Allen Ganun padin ang pwesto. Ilinapit ko yung bibig ko sa Tenga nya. "Di pako tapos" bulong ko sabay binitawan sya at Umupo sa pwesto sa tabi ni Ken na nakangiti.
BINABASA MO ANG
AKO MUNA
RomanceEverything is temporary; emotion, thoughts, people and scenery. Do not become attached, just flow with it.