Chapter 6-Simbang Gabi

76 5 0
                                    

"asan ka na ba khiel?",tanong ko sa kanya.

"basta basta,malapit na ko",reply niya.

"dalian mo,malapit na yatang magsimula ang misa oh",

"sa church mo na lang ako hintayin",reply ulit niya.

"uh,cge na nga,bilisan mo huh,para sa loob tayo ng simbahan",hirit ko pa.

After 987654321 years,nakarating na ang aking groom...este friend pala.

"tagal mo naman,san ka pa ba pumunta?",tanong ko.

"wala naman,traffic kase eh",palusot pa niya.

Traffic daw,as if namang nakasakay siya,eh naglakad lang naman,ano nakipila pa din sa mga sasakyan sa kalsada? Haha.

"tumayo tayong lahat",bungad ni father.

Ayan nagsisimula na ang misa.

Si khiel?,ayan kwento ng kwento,ako naman nahawa na sa paggiging madaldal niya.

Wala ako masyadong naintindihan sa misa,pano ba naman tong katabi koh mukhang may sapi,buti nakapasok ng simbahan ng ligtas haha.

Eto na,eto na ang kilig part ng misa.xD

Ama namin.

Tinaas ko yung dalawang kamay koh,hinawakan niya ang kanang kamay koh,parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hinawakan ni khiel yung palad koh,naiinis ako na kinikilig kase pinipisil niya eto.

"huy ano ba,masakit",pabulong kong sabi.

"ay sorry,hehe"

Pero gustong gusto koh ang ginagawa niya,sana hindi na matapos ang sandaling tong,sana habang buhay na kaming magkahawak kamay...

Pero hindi maaari,dahil saglit lang ang kantang yon..

Di bale,may 9days pa ako,9 days koh pang mahahawakan ang mga kamay niya.

Pagkatapos nun,umupo na ulit kami,at ganun pa rin ang ginagawa niya,nagkkwento na kung ano ano,natatawa na lang ako..

Maya maya natapos na din ang misa,lumabas na kami para umuwi.

9:30 na yon ng gabi.

Naglakad na kami,nauuna ako.

"uy ba't ang bilis mo namang maglakad,sige ka maraming rapist jan",pagbibiro niya.

"chee,ano naman..masaya nga yun eii",sagot koh.

Binilisan niya ang paglalakad para maabutan ako,nagulat ako nung bigla niya akong akbayan.

"pero,salamat talaga kase sinamahan mokong magsimba ah,how i wish makasama ko ding magsimba ang gf ko",malungkot niyang sabi.

"sus,wala yun basta ikaw",sagot ko.

"bukas ulit huh,promise mo yan ha",hirit na naman niya.

"ano ka ba,oo naman,gusto kong makumpleto ang simbang gabi na kasama kita",tugon ko.

"ayiee",pang-aasar niya.

"ayiee ka jan,may gusto kasi akong iwish sa pasko",

"ano naman iwiwish mo?",pag-uusisa nya.

"naku wLa ka na dun,bawal kaseng ipagsabi hangga't di pa natutupad",sagot ko.

Pero kung alam lang niya,ma siya mismo ang makakatupad ng wish koh na yun.

Haixt.

"oh andito na tayo sa waiting shed,so pano ingat ka sa pag-uwi,thanks sa time..goodnight khiel",pag-papaalam ko.

"sige ikaw din,madilim pa naman jan sa lalakaran mo,ingat ka huh",pagpapaalam niya na may tonong pang-aasar.

"tsee ewan ko sayo,umuwi ka na nga haha",natatawa kong sagot.

Naglakad na kami sa magkabilang direksyon.

Inaantok na ko nang makarating sa bahay kay Hindi koh na inopen pa ang messenger ko at natulog na agad ako.

Yesterday's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon