KABANATA 1

42 2 0
                                    

Kabanata 1-Problema sa palasyo

"Paano mo sasabihin kina Prinsesa Alexandra,Prinsesa Annah at Prinsipe Alexander na kapag naging Reyna na si Alex ay mawawala na ang royal dinasty o hindi matutuloy ang pagiging matatag ng palasyo?"

"Hindi pa pero sasabihin ko rin kapag maayos na ito."

"Pagna-ayos na?Baka hindi na ito maaayos dahil hindi natin alam kung ano ang pwedeng solusyon!"Bakit Hindi nila sa akin sinabi na pag naging reyna ako ay mawawala ang palasyo at magiging normal na tao na lamang kami.

"Ama,Ina bakit hindi nyo sinabi ang problema na ikinahaharap ng palasyo.Ako ang magiging susunod na Reyna at ako ang mamamahala sa buong palasyo kaya kasama ako sa lahat ng problema rito.Ano po ba ang nangyari at ngayon ang ating palasyo ay may sulinarin?"

"Ang Palasyo ng iyong pinsan ay naghayag ng pagsasang-ayon sa parusang ipapataw sa sino man na pumatay ng kanilang mga tagabantay.Tayo ang naakusahan na pumatay kaya ito ang parusa na dapat nating kaharapin."

"Alam nyo na po ba kung sino ang pumatay?"

"Oo at si Prinsesa Aliyah ang pumatay."

"Bakit di nyo sinabi sa hukom?"

"Hindi tayo pwede magsalita laban sa palasyo nila.Gustohin naman namin ay hindi pwede."
Tumayo ako sa aking inuupuan para pumunta sa aking silid.Habang naglalakad ako ay napapaisip ako kung ano ang magiging solusyon nito para makalaya ang aming palasyo sa parusa na hindi namin ginawa.

"Mahal na prinsesa."Narinig ko si Dama Maria na bumati sa akin.Tumingin ako sa kanya sinuklian ko ito ng magandang ngiti.

"Ano ang kailangan mo Dama Maria?"

"Wala naman po pero magpapaalam lang po sana ako."

"Ano ang ipapaalam mo?"

"Uuwi po ako sa maynila.Nagkasakit po kasi ang kapatid ko.Wala po kasing mag-aalaga sa kanya kaya ako po ang mag-aalaga sa kanya.Kung pwede po sana?"

"Oo naman.Hindi ako madamot sa atensyon mo para sa kapatid mo.Sige pwede ka lumiban."

"Salamat po."Oo nga pala,may nalimutan akong itanong sa kanya.

"Sandali lang."

"Ano po iyon?"

"Saan ka nga nakatira?"

"Sa maynila po.Maganda doon at puro Gusali doon.May mga kotse,Motor,Bike."

"Ano ang Kotse,Motor At Bike?"

"Ah eh...Yung koste po ay isang sasakyan na ginagamitan ng makina.Ginagamitan din ito ng Gasolina.Yung Motor po ay isang Sasakyan din na ginagamitan din ng makina.Tapos yung bike ay ginagamitan ng pedal.Mas mabilis gamitin ang Kotse,Motor at bike kaysa sa bike."Mahabang paliwanag ni Dama Maria.Alam ko narin kung ano ang mga tawag at ibig sabihin ng mga kotse,Motor at bike.

"Sige pwede ka nang umalis."

"Sige po.Salamat Prinsesa Alexandra."Yumuko sya at nagpaalam na sa akin.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa aking silid.Siguro bukas na ako mag-iisip kung anong solusyon ang gagawin ko.Sa ngayon,magpapahinga na muna ako

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon