Disclaimer: Any similarity to actual people living or dead is totally coincidental. Each and every one of the characters in this work is a fictional creation.
(1996)
"Bata! Bata! Anong pangalan mo?" pag agaw pansin ng isang batang lalaki sa magandang batang babae, tinignan naman siya nito na ikinatuwa ng batang lalaki.
"Sino k-kaba? Sa-sasabi ng mama ko huwag ko daw kakausapin yu--yung mga taong hindi ko kila-lala e."
"Ako nga pala si Liam! Bakit ka nag iisa di-dito?"
"Pabalik na ang ma-mama k-koo. Binilhan niya lang ak-ko ng p-paborito kong fayrd tsiken." taas noo nitong sagot, ipinagmamayabang ang bulol niyang dila.
"Anong pangalan mo??"
"Ah-e-eh ak-ko si Monique." bahagya itong umirap sa batang lalaki kaya't napangiti na lang ang kaharap.
"Tar-ra laro tayo duon sa parkk!"
"Hihintay ko-ko ang ma-ma-ma ko e." napapayuko nitong tugon sa batang lalaki, gustuhin mang sumang-ayon ay hindi niya magawa.
"Dyan lang naman tayo sa mal-lapit, makikita mo naman ang mama mo ka-kapag dumating na siya." turo naman ng batang lalaki sa nasa gilid na playground.
"Ba-baka magalit sa-sa akin ang mama k-ko.. Masung-ngit yun kap-ag ga-lit saak-kin..." malungkot nitong paliwanag sa batang lalaki, malungkot na para bang kalbaryo ang naalala niya matapos masabi ang mga salitang iyon.
Hindi tumigil sa kakukulit ang batang lalaki kaya't hindi ito nabigo sa pag anyaya sa batang babae, naglaro sila maghapon sa playground na iyon, masayang masaya ang dalawang bata, ni hindi namamalayan ang paglipas ng mga oras.
Lumipas ang ilan pang oras, pero hindi na ulit nakita ng batang si Monique ang kanyang nanay..
"Nasaan na ang mama mo, Monique??"
"Sa-bi ng ma-ma ko, baba-l-lik da-w si-sya e.." nakangiti parin nitong sagot sa lalaki, pinipilit na pinatatatag ang sarili kahit na alam niyang sa sarili niya na iniwanan lang siya ng sariling ina duon..
Nagpaalam na sa kanya ang batang si Liam, kaya't mag isa na lamang siya ulit. Makikita sa mukha ng batang si Monique ang kalungkutan. Inabot na ng alas singko ng hapon subalit hindi padin bumabalik sa lugar na iyon ang nanay niya upang siya ay sunduin na.
Pinagmasdan niya ang mga batang kasama ang kani-kanilang magulang, masayang masaya at hindi mapapantayan ng kahit na ano ang galak sa mga mukha nito. Nakaupo siyang nag iintay sa wala, napayuko sa sariling tuhod, at napapaluhang sinabi ang mga salitang magpapaantig sa puso ng kahit na sino.
"Hih-hin-hik-tay-yin ko po ik-kaw mama koo.." humihikbi, nabubulol, at hindi na maunawang sabi ng bata.
Lalong nakahahabag ang nasapit ng bata nang bigla nalang bumuhos ang sobrang lakas na ulan, imbes na sumilong ay hindi siya nagpalampas ng kahit iilang minuto lang para tumungo sa lugar na 'di siya mababasa, pinagpatuloy ang paghihintay.
Isang araw na siyang naroroon at hindi umaalis sa lugar.. Madungis, gutom na gutom, uhaw na uhaw, at natuyuan na ng pinagsamang tubig ulan at pawis. Pero kahit na iyon ang dinadanas niya ay hindi padin nitong nagawang mag isip ng negatibo, bagkus ay patuloy lang itong umaasang babalikan siya ng taong iniwanan siya duon.
Pagsapit ng tanghali ay agad bumungad kay Liam ang kahabag-habag na hitsura ng batang nakalaro kahapon. Malapit lamang ang bahay nila duon kaya't madali lang siyang nakakarating sa lugar na'yon..
BINABASA MO ANG
Love after Death
RomanceMaaari nga bang magdulot ng panibagong trahedya ang bagay na itinuring nang bilang isang trahedya noon? Love after Death literally means the love of a woman after her death. What will happen if she has been transmigrated into a man's body? Would it...