Matapos ang ilang oras na preperation at tatlong oras na paghihintay ay tuluyan na ngang hindi dumating si Ace. Kaya naman nagkayayaan na lang kami na uminom. Dumiretso kami sa paborito naming bar at sinulit ang buong gabi.
Walwalan na!
***
Pasado alas-tres ng madaling araw nang ihatid nila ako sa bahay. Mabuti na lang mayroon akong duplicate key kaya hindi ko kinailangang kumatok sa pinto dahil siguradong tulog na ang mga pinsan ko.
"Oh, Kuya g-gising ka pa pala!" nagulat ako pagkakita kay kuya Leo sa tapat ng pinto.
Mali pala ang akala kong tulog na sila.
"Ah, eh, sorry inumaga ng uwi," nasabi ko na lang saka nagmadaling humakbang papunta sa hagdanan para hindi na mausisa nito.
"'Di ba kaisa-isang rule dito sa bahay ay 'huwag uuwing luhaan'. Alizanabelle, para saan naman ang iniyak mong 'yan?" tanong ni kuya Leo nang harangin ako sa pag-akyat.
Napatingin ako sa salaming nasa gawi ng bintana kaya doon ko lang napansin ang sobrang pamumugto ng mga mata ko.
"Sinabi nang huwag kang susugal sa Ace na 'yon, tingnan mo 'kaw itong talo! Binalaan na kita noon, 'di ba? Nakinig ka ba? Ngayon, ano ang napala mo?"
"Wala 'to, na-miss ko lang sila Mommy."
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Fiksi RemajaWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...