Somebody owns you now

21 13 3
                                    

Bela's POV

Pabalik na sana ako sa loob ng bahay nila Ace ngunit bigla ko naman nakasalubong ang pinsan kong si kuya Leo.

"Nagkabalikan na pala kayo," bungad niya sa 'kin.

Nakangiti ko siyang sinalubong. "Yes, last week lang," ngumiti ako saka yumakap sa kaniya. "Actually, nanggaling ako sa bahay ninyo kanina kaso mukhang tulog pa kayo," paliwanag ko saka dumistansya. "So, good morning! How's life?"

"Nangungunsumi."

"Hanggang ngayon ba nagrerebelde pa rin si Alizanabelle?"

"Bakit hindi mo kasama ang mga kapatid mo?" pag-iiba niya sa topic.

"May pasok kasi sila sa school. Don't worry sa next time na pagpasyal ko, sisiguraduhin kong weekend para makasama sila."

"Sana nga may next time pa," giit niya habang tuwid na nakatingin sa mga mata ko.

Para bang pinipilit niyang basahin ang mga iniisip ko? Kahit kailan ang weird talaga ni Kuya.

"LEO!"

Magkasabay kami napalingon sa pinanggalingan ng boses. Sina ate Elsa at Alizanabelle pala kasama ang mama ni Ace.

"Nai-cancel mo na ba ang catering?"

"Opo."

"Mabuti. Tara na sa loob."

"Aling Portia, una na po kayo, susunod na lang kami," saad naman ni ate Elsa.

Nauna na nga sila Kuya at ang mama ni Ace samantalang nagpaiwan naman ako kasama sina ate Elsa at Alizanabelle.

"Bakit ang payat mo na?" tanong sa 'kin ni ate Elsa.

"Gawaing bahay," kibit ang balikat kong sagot.

"Pinagmamaltratuhan ka ba ng magagaling mong kamag-anak?"

"Of course, they're not!"

"Mabuti kung gano'n, at least mapapanatag na ang ate Zanabelle n'yo."

Napatingin ako kay Alizanabelle. "Oh, really?"

"Pagkatapos ng parasal dito ka na matulog."

"No thanks, Sis. May mga kapatid pa akong naghihintay sa mansion."

"Bahala ka," giit ni ate Elsa saka lumakad papasok. "—Zanabelle sasabay ka ba sa 'kin? Naghihintay na ang mama ni Ace sa loob!"

Naiwan kasi nakatulala si Alizanabelle kasama ko.

"M-may nakalimutan ako sa bahay, babalikan ko lang," pagkasabi'y umakto si Alizanabelle nang paghakbang paatras.

"Wait!" pinigilan ko siya at hinawakan sa braso. "Ngayon na nga lang tayo nagkita, lalayo ka pa. Tara sa loob para maipakilala kita nang pormal sa family ng boyfriend ko."

"B-boyfriend?"

"Oh, there he is!" anunsyo ko nang maaninagan ang paglabas ni Ace sa pinto. "Love!"

Napansin kong medyo nag-alinlangan pa itong lumapit pagkakita sa 'min kaya ako na ang gumawa nang paraan para palapitin ito.

"Love!" nilapitan ko si Ace.

Halos manlaki naman ang mga mata ni Alizanabelle pagkakita sa 'min.

"Anyway Sis, please meet my very handsome and very generous beloved boyfriend, Justine Ace Castillo. And Love, she's my twin sister, Alizanabelle. Magkamukha kami, obviously!" pagpapakilala ko habang naka-angkla sa braso ni Ace.

"H-hi, Aliz!"

"H-hi! K-kayo pala," tugon naman ni Alizanabelle.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon