Why so coward?

25 15 4
                                    

Matapos ang pag-uusap namin ni Bela ay dali-dali akong pumunta sa bahay ng lola ni Ace. Dumiretso ako sa living room at binungaran siya ng sampal kaharap ang mga Pinsan, Kapatid, Tito, Tita, Mama at Lola niya.

"Aliz, b-bakit?" pagtataka pa ni Ace.

"Wala ka narinig mula sa 'kin noong hindi ka sumipot sa lugar kung saan nakatakda na sana kita sagutin. Hindi ako nagsalita nang pabayaan mo pagpiyestahan sa Facebook ang raw files ng film... Ace, dalawang pangyayari lang 'yon pero apektado lahat pati buhay, pamilya at career ko! Tanggap ko na sana, eh! Pero 'yong makitang umiiyak ang kapatid ko nang dahil sa 'yo? Fuck you! Ace, ibang usapan na 'yan!"

Wala akong pakialam kung marinig man iyon ng mga kamag-anak niya dahil ang alam ko lang ay galit na galit ako sa mga oras na ito at gusto ko ilabas ang lahat ng hinanakit na matagal ko nang sinasantabi.

"Aliz, I'm sorry."

"Pa-fall ka rin kasi, eh! Ang akala mo sobrang guwapo mo na para paasahin lahat ng babae! Maaaring totoo nga pero hindi pa rin 'yon sapat para paulit-ulit kang manakit! Siguro kasi sawa ka na sa kapatid ko kaya gano'n na lang kadali sa 'yo na makipaghiwalay sa kaniya. Bakit, dahil ba may nakita kang mas maganda? Wow! Thanks for giving up on her when she was completely in love with you!"

"Aliz, kung mayroon man ako nasaktan at dapat hingian ng sorry, walang iba kung 'di ikaw. Marami akong bagay na hindi naipaliwanag at inaamin ko naging duwag ako sa bagay na 'yon. Maaring hindi ko alam kung ano na naman kuwento ang idinrama sa 'yo ni Bela pero kung may dapat kang paniwalaan, iyon ay walang iba kundi ang salitang 'ikaw talaga ang mahal ko'."

"Oh, really?" bahagya akong natawa sa sinabi niyang iyon. "Sa pagkakaalam ko kasi, rebound mo lang ako!"

"Mahal kita, Aliz. Alam ko huli na, pero maniwala ka—"

Muling lumagapak ang palad ko sa pisngi niya't hindi na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Kung talagang mahal mo ako, eh 'di sana sumipot ka! Sana noon mo pa sinabi 'yan. Hindi 'yong pinagmukha mo akong tanga kahihintay sa wala!"

"Patawarin mo ako, Aliz. N-naging duwag ako. I'm sorry."

"There's no sense of telling it."

Natapos ang usapan sa pagwo-walk out ko.

Sa huli ay ako na naman ang talunan. Luhaan akong umuwi sa bahay. Si ate Elsa ang unang sumalubong sa 'kin kaya sa kan'ya ako pahagulgol na yumakap.

"Cous', ano'ng nangyari? Ano'ng ginawa mo kina Ace? Bakit ka umiiyak? Pinagsabihan ka ba nila tungkol kay Charles?"

Napailing ako't pinusan ang mga luha.

Sa halip na sagot ay humakbang ako paatras, palabas, palayo.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon