"Aba'y lagi kang dumadayo dito be" si mama na nakangiti.
"Kamukha nga ni Teresita" si papa na buhat si Kevin.
4 years old pa lang si Kevin imbis na ako ang pumupunta sa kanila para makipaglaro sa kanya, siya na ang napunta sa akin aba'y masipag na bata. At sa bagay, magkatapat lang naman kami ng bahay ni Aling Teresita, ang nanay ni Kevin. Naaawa nga kami kay Kevin kasi 'di manlang niya nakita ang tatay niya simula ng ipanganak siya namatay ang tatay niya dahil sa car accident.
*Bogsh!*
"Ay naku, sunog!" Sigaw ni mama.
Nagulat nalang ako nung sumigaw si mama at natataranta na ako dahil palaki ng palaki ang sunog.
Napaiyak nalang ako ng bagsakan ng mga nasusunog na kahoy sila mama at papa.
"A-anak, umalis n-na kayo dito" si papa.
"P-pero.."
"K-kevin, sabihin mo sa mama mo pakitira nalang sa inyo si Ate Zillianne mo ha" si papa.
Tumango nalang si Kevin habang inuubo.
"S-sige na Zillianne u-umalis na kayo, ayos lang k-kami.." si mama na laging nakangiti.
Napahagulgol nalang ako sa sinabi ni mama at binuhat si Kevin at agad na umalis.
"Ms. Sanchez?"
"Ms. Sanchez?"
"Ms. Sanchez!"
"B-bakit po sir?" Natataranta kong tanong at nagsitawanan naman ang mga kaklase ko.
"Kanina pa kita tinatawag para sumagot dito sa blackboard pero tulala ka"
"S-sorry po sir.." anya ko habang nakayuko.
"Tumayo ka sa labas ng classroom!" Sigaw ni sir.
"O-opo sir"
At nagsitawanan nanaman ang mga kaklase ko.
"Class, quiet!"
Pagkalabas ko ng classroom napaiyak ako hindi dahil pinagalitan ako ni sir o pinagtawanan ng mga kaklase ko kundi sa nakaraan ko, tuwing naaalala ko ang nakaraan ko napapaiyak nalang ako ng wala sa oras. Tsaka makakalimutin na kasi si mama kaya nakakalimutan ni mama na isara ang gas at iyon ang sanhi ng sunog.
*Class Dismissed!*
Pumasok na ako sa classroom at kinuha na ang bag ko.
"Kawawang Zillianne" anya ni Wendy.
"Naku sis, lagi namang kawawa 'yan haha!" Saad naman ni Anne.
Agad na kinuha ni Ivy ang bag ko at inihagis sa labas ng classroom.
"OMG! 'Di ko sinasadya haha!" Anya naman ni Ivy.
"Let's go mga sis naiirita na ako sa pagmumukha ng babaeng 'to" saad ni Wendy at agad na silang umalis.
Sila ang mga nambubully sa akin pero sanay na ako.
Agad kong kinuha ang bag ko at umuwi.
"Zillianne! Bakit hindi mo hinugasan itong mga plato? Kanina pang umaga 'to a!" Si Aling Teresita.
"P-pasensiya na po Aling Teresita, kailangan ko po kasing pumasok ng maaga kanina kasi po--"
Bigla nalang niya akong sinampal.
"Wala akong pakielam sa p*nyetang dahilan mo, tandaan mo kaya lang naman ako pumayag na dito ka tumira hindi dahil sa pinakiusapan ako ng tatay mo kundi lagi akong tinutulungan ng mga magulang mo sa pangangailangan ng anak ko dahil patay na ang asawa ko! Hindi ka na nga nakakatulong sa mini-restaurant 'di mo pa nahugasan itong mga pinggan, bwiset!" Pagsermon ni Aling Teresita.
BINABASA MO ANG
When The Oceans Rise
Short Story(One Shot Story) Zillianne Sanchez, babaeng nawalan ng magulang, walang kaibigan, palaging nabubully ngunit patuloy na namumuhay. Naninirahan na lamang siya sa tahanan ng kaniyang kapitbahay na si Teresita Alvarez ngunit hindi maganda ang pakikitung...