--pag kalabas ni paime sa pamamahay ng mga hobbin ay dumeretso sya sa lugar kung saan madalas syang pumunta tuwing nakakaramdam sya ng pananakit ng kanyang dibdib na patuloy nyang nilalabanan upang hindi lamunin ang matino nyang pagiisip , habang unti unting dumadaloy ang nakaraan na gusto nyang ibaon habang buhay ng kalimutan .
'WALANG HIYA KA TALAGANG BABAE KA! PAPATOL KALANG SA KAIBIGAN KO PA!? sabay ng pagdapo ng kamao nito sa mukha ng kanyang ina . Napapikit sya at napatakip sa tenga habang humahagulgol.
'MALANDI KA TALAGA SINASABI KO NA NGA BA DAPAT NOON PA MAN HINDI NA KO PUMAYAG NA MAKASAL SAYO! ISA KANG MAKATI AT HINDI MARUNONG MAKUNTENTO SA IISANG LALAKE ! SIGURO ITONG BATA NA TO! HINDI KO ANAK ! ' sabay sabunot sa kanya ng kanyang ama.'Pa! Tama na po . Nasasaktan na po ako ' nagpupumiglas na kawala ni paime sa ama ngunit patuloy lamang ito sa pag sabunot sa kanyang buhok.
'ANO SUMAGOT KA! AYAW MONG SUMAGOT. HA! ANONG GUSTO MASAKTAN LALO!? akmang sasaktan ulit nito ang kanyang ina ay humarang si paime habang nanginginig sa takot.
'Pa! Ano bang nangyari satin ? Hindi naman po tayo ganito ha! Bakit kayo nagbago? Bakit nyo kami sinasaktan ? Pa! Please tama na po .. Kahit ngayon lang . Birthday ko po. Tama na po. Sabay luhod ni paime sa harapan ng ama ngunit para itong isang demonyong walang narinig at walang sabi sabing ibinalya sya sa pader .
Hanggang makaramdam sya ng mainit na likidong umaagos sa kanyang ulo , at kasabay nun ay isang putok ng baril at kitang kita ng kanyang dalawang mga mata kung paano humandusay ang kanyang ina sa sahig at wala ng buhay , napatingin sya sa kanyang ama at napuno ng galit at pagkamuhi ang kanyang puso . Dahil sa mga oras na iyon ay binawian ng buhay ang kanyang ina sa kamay ng kanyang ama. Natulala ito at humakbang papalapit sa kanya.
'WAG KANG LUMAPIT.' kasabay nun ay pagdilim ng kapaligiran nya .
Ngunit naputol ang paglalakbay ng kanyang ala ala ng maramdamang nyang may umupo sa kanyang tabi.
" Hindi ko alam kung paano ka pasasayahin , at kung paano ka palalayain sa pagiging madrama mo. " sabi ng taong tumabi sa kanya.
"kelan kapa dumating" pagbabaliwala ni paime sa sinabi ng kausap.
"kanina lang pinauwi ako ng ama ko at ng Ama MO! At mukhang may plano na naman ang mga hukluban para sa kinabukasan natin ." nakangiwing sabi ng katabi nya at halatang inis na inis ito.
"tsk. Umuwi kana sa inyo" pagtataboy ni paime sa binata.
"tsk tsk! Wag mo ko maganyan ganyan sandoval ha! Baka nakakalimutan mo may UTANG NA LOOB KAPA SAKEN. At saka ayokong makasal sayo ! Daig ko pa ng bigtin non. At kung pede nga lang sabihin ko kay dad na sana patayin nlang ako kesa ipakasal sayo . Ginawa ko kaso maraming iiyak eh. Wag nlang . Ayts! Gumawa ka ng paraan kung paano natin to isasabutahe kawawa ako dito eh! Mahabang sabi nito at nagpapadyak pa sa sahig.
"HORMELIO HATSON . Parang tanga. Lalayas kaba dito o babarilin ko yang sintido mo? Parang ikaw pa luge ah. Itsura mo eh. Akala ko ba nagbago kana ! Tsk. Kung anung kinalake ng bunganga mo kasing lakas ng boses mo! King nyemas! " akmang susuntukin na ni paime ang binatang ng magsalita ulit ito.
" Hoy paime sandoval! Sige aalis ako dito siguraduhin mo lang na kahit anung mangyari walang kasalang magaganap ! Kung hindi reresbakan kita kahit ikaw pa ang pinaka matayog ng pulis dito! Ha! Narinig mo!? "
Maangas na sabi ng binata at naglakad na palayo.
"tsk . Bahala na . " sabay tungga sa beer na kanina pa nya hawak.
Iiling iling na tumayo na din si paime sj kanyang kinauupuan at sumakay na sa kanyang sasakyan at umuwi na sa kanyang bahay.
katatanda na parang mga tanga! Arrange marriage ?? Uso pa ba un? Nakakasira ng pagdadrama .ang isang yun ah. Moment ko ung eh! Tsk ! Tsk ! -.-
BINABASA MO ANG
PAIME Sandoval
Action"WALA AKONG PAKEALAM SAYO. AS LONG AS HINDI KA PUMAPASOK SA MUNDO KO HINDI TAYO TALO. --Paime Sandoval -Paime Sandoval as Michelle Rodriguez. - Krib Hobbin as Jeremy Sumpter.