03. Save You

1.7K 49 8
                                    

Dedication: anj062388 -> Salamat po talaga sa pagsasabing maganda ang story na ito. :*

   -;-;-;-;-;-

03. Save You

-;-;-;-;-;-

"And no matter what I do I can't make you feel better

If only I could find the answer

To help me understand..."

[Kathryn]

"Isa pa ngang margarita diyan."

Lumingon sa akin yung bartender at tumango. Naglagay siya ng panibagong kopita sa harapan ko at nilagyan iyon. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng nakakaakit na ngiti.

Nyemas. Mukhang gusto pa akong landiin ng bartender na ito ah. Excuse me lang hah, 16 years old pa lang ako at hindi ako pumapatol sa isang gurang na tulad mo. Oo nga akala mo, 20 years old na ako dahil sa fake I.D. na pinagawa ko pero...hello lang naman di ba? Pakitingnan mo muna ang sarili mo at pwede ka ng pumaso bilang tatay ko.

Inirapan ko siya para maiparating sa kanya na wala akong interes sa kanya. Kinuha ko ang isang kopita ng margarita at napatingin sa stage. Nagsimula na kasi ang music testing nila. Anytime at tutugtog na rin sila. Napansin ko naman na parang pamilyar yung may hawak ng bassist. Isa pa, nakatitig din sa akin.

Lahat ba ng tao dito sa bar eh may gusto sa akin? Okay. Ako na ang feelingera. Ininom ko ng isang lagok ang margarita.

Paano nga pala ako napunta dito?

Oo nga pala. Hindi pala umuwi si papa ngayon kahit sinabi niya na uuwi siya. Hindi daw niya maiwanan ang mga trabaho niya sa ibang bansa. Sinong niloko niya? Alam ko naman...Ayaw niya makita ang pagmumukha ko.

Masasaktan lang siya.

Ako kasi ang pumatay kay mama. Ako kasi ang kumuha ng buhay ng taong mahal na mahal niya.

Ngumiti ako ng mapait, kasing pait ng iniinum kong alak.

Sumenyas ako sa bartender at humingi pa ng tatlong shot ng margarita. Alam kong hang-over labas ko nito bukas at baka hindi rin ako makapasok. Pero sino nga ba sa school ang mag-aalala na wala ako? Baka nga magpaparty pa sila.

Biglang lumakas ang hiyawan ng mga kababaihan sa bar. Yung iba nagsitayuan na. Ano ba itong mga ito? Akala mo artista nasa harapan eh indie band lang naman 'yan.

"Good evening sa inyong lahat!" sigaw nung lalaki sa gitna. Siya siguro ang vocalist. Nakaitim ito na damit. Sa totoo lang, lahat sila nakaitim. Yung iba may earrings sa tenga, yung iba naman may accessories sa wrist na pang-rakista. Nakasuot sila ng ragged jeans at may mga eyeliner sa mukha. Rakistang emo?

"At una naming kakantahin ay Perfect ng Simple Plan!"

Ay putek na! Nang-aasar ba itong bandang ito? Baka pasabugin ko ang stage at wala akong iligtas ni isa sa inyo. At itong bassist nila, kanina pa nakatingin sa akin. Dukutin ko kaya mata nito. Nakakainis.

Hey, Dad, look at me

Think back, and talk to me

Did I grow up according to plan?

And do you think I'm wasting my time

Love Game (Song #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon