Ótan Apofasízei to Peproméno (1)

22 6 1
                                    

Hello everyone. Enjoy Reading😍😘

________________________________


           She is no ordinary woman. She believes that life shouldn't be wasted. We should live life to the fullest because there is no room for those who are weak.

         She is Aisa Martinez, a woman who believes that our destiny happens for a reason. She was named after the goddess of destiny, Aisa, because her parents believes that destiny brought them together. Just like her parents, she also believes that destiny will bring her to the right man who is willing to love her despite of her true condition.

"Aisa ano ba? Bagalan mo nga yang paglalakad mo kung ayaw mong putulan kita ng paa." pagalit na ani ng pinsan nitong si Shaira.

"Sorry insan. Kailangan ko pang habulin si destiny ko eh, baka mawala mahirap na. See yah later." nakangiting sagot nito sa pinsan saka mabilis na tumakbo upang sundan ang sinasabi nitong destiny niya na naglalakad papunta sa classroom nila.

Pareho silang nasa STEM strand pero Major in Engineering si Vincent a.k.a si destiny nito samantalang siya naman ay Major in Medicine. Nang maabutan niya ito ay binagalan niya ang paglalakad upang sabayan ito.

"Hey Vincent. Good morning!" nakangiting bati niya dito. Agad namang tinanggal ni Vincent ang earphones na suot niya saka salubong ang kilay na tumingin sa kanya.

"What?!" masungit na tanong nito sa kanya. Mas lalo namang lumapad ang ngiti niya dahil sa wakas ay pinansin na rin siya nito. Sa tagal ba naman ng pagpapapansin niya dito ngayon lang siya kinausap.

"It's me, your destiny. Masakit ah, kinalimutan mo agad. But it's okay mahal pa rin naman kita eh." sagot nito na parang nagtatampo pa.

Inirapan na lamang siya ni Vincent saka mabilis na ibinaling sa kabila ang mukha upang nito itago ang munting ngiti pero hindi parin ito nakalampas sa paningin ni Aisa.

"Ayiiiee! Kinikilig siya. Kinilig din ako, ang gwapo mong ngumiti eh. Hehe." nakangising ani niya rito pero inirapan lang siya uli ni Vincent saka siya nito iniwan upang pumasok sa kaniyang classroom.

Pagdating ng lunch break ay nagpatiunang pumunta ng canteen si Aisa. Pagdating ng canteen ay bumili agad ito ng makakain saka hinanap ang pwesto ni Vincent. Agad niya naman itong nahanap sa pinakagilid na bahagi ng canteen kasama ang mga kaibigan nito. Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito at nakangiting binati ang mga kaibigan ni Vincent ng hindi ito binabalingan ng tingin.
"Hi! Pwedeng maki-upo?" she asked while smiling. Nakangiting tumayo ang isang kaibigan ni Vincent saka siya pinaghila ng bakanting upuan na nasa harapan ni Vincent.

"Thank You!" nakangiting pasasalamat niya rito.

"Basta ikaw walang problema" sagot ng kaibigan ni Vincent saka siya kinindatan pero hindi niya na ito pinansin at itinuon ang pansin kay Vincent na madilim ang mga matang nakatingin sa kanya.
“In love na nga talaga ito sa akin tss.” bulong nito sa sarili habang nagpapa-cute na nakatingin kay Vincent.

"You should try this Aisa. It's really delicious!" Ani ng kaibigan ni Vincent saka inilapit sa bibig nito ang kutsara na may lamang ube cake. Namimilog ang mga mata nitong ibinaling ang tingin sa ube cake saka ito sumubo. Ube cake is her favorite kaya hindi niya talaga ito tatanggihan.

"Hala! Oo nga. Ang sarap nga." amazed nitong sabi. Natawa naman ang kaibigan ni Vincent sa reaksyon nito pero agad rin itong nawala ng padabog na tumayo si Vincent.

"Psh! Nawalan na ako ng gana. Ang pangit ng lasa ng pagkain dito." naiiritang ani niya saka muling tiningnan ng masama si Aisa bago umalis.

Mabilis namang tumayo si Aisa upang sundan si Vincent. Mabilis na nawala si Vincent sa kanyang paningin kaya naman hinanap niya ito hanggang makita niya itong papalabas na ng campus.

Ótan Apofasízei to Peproméno (Completed) - One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon