Chapter 30

342 15 0
                                    

1st Person's POV

1 week bago ang Graduation ni Klein ay si Irah ang naiisip kong paraan para makumbinsi ang kapatid niyang payagan ako makalabas. Tho, naiirita ako sa ideyang bakit kailangan ko pang mag paalam at pakiramdam ko ay isa akong preso sa haciendang ito na bantay-sarado. Hindi naman siguro porket may contract kami ay may karapatan siyang manipulahin ang freedom ko? That is not funny.

Gayong napaka rude talaga ng ugali niya ay ako pa itong nag aadjust sa ugali niya.

Coz you're intimadated by him. Am I? Bakit naman? Sino ba siya?

Saka ano bang mawawala kung susubukan? Umayaw man siya ay wala siyang magagawa. Maghahalo ang balat sa tinalupan. I will never let him control me.

Really? Although, he's already doing it.

Frustrated akong napa iling habang naka upo sa balcony, pinagmamasdan ang buwan sa harap ng ilog. Favorite ko kasing makita yung reflection ng sinag non sa ilog.

1 week nalang, magpapa alam ako the day before the Graduation para kung sakaling magbago isip niya kinabukasan naka alis na ako. Hihi, ang problema ko nalang ngayon ay ang tulong ni Irah. Nasa maynila siya at nag-aaral, ilang araw na din siyang hindi nakakabalik dito, sana makabalik siya this week.

A ring interrupted my thoughts. May tumatawag sa akin pero kapag sinasagot ko ay hindi naman sumasagot iba't ibang number simula nung gabi na lumuwas ako, halos araw-araw. Nakakapagtaka man ay hindi ko nalang pinapansin dahil baka prank calls lang.

Hindi ko ito sinagot, pagkatapos mag ring ay minessage ko lang ito.

To: Unknown number

Sino sila?

Lahat ng tumatawag noon pang nakaraang linggo ay hindi ko na sinasagot, nag memessage lang ako sa kanila at ni minsan ay hindi nag reply.

Kaya naman hindi ko inaasahan nang makalipas ang limang minuto ay nag reply ito.

From: Unknown number

May gusto akong ibalik sa iyo.

Kumunot ang noo ko sa sagot nito, nasisiguro kong kilala ako ng taong ito pero hindi ko siya kilala.

To: Unknown number

Sino ka?

From: Unknown number

Hindi ako pwedeng magpakilala pero kilala mo ako.

To: Unknown number

Bakit ako maniniwala sayo?

From: Unknown number

Tulungan mo ako at tutulungan kita.

To: Unknown number

Anong ibig mong sabihin? Magpakilala ka.

From: Unknown number

Makikilala mo ako pero hindi ngayon Ziaren, hintayin mo ang tawag ko.

Hindi ko na siya ni replyan matapos iyon, malakas na ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung sino ang taong iyon. Kilala niya ako at may pinaplano siyang hindi ko matukoy kung maganda ba ang pakay. Kung hindi man ay nasisiguro kong gulo ang kahahantungan non. Hindi ko rin alam kung anong klaseng tulong ang ibibigay niya sakin at ang hinihingi niya.

Sino siya?

Hindi ko mapigilang isipin na baka may kinalaman ito sa pamilyang Ruego. Ano ang kailangan niya sa akin? May kinalaman din ba ito sa mag asawa? Ano ang ginawa ni Luciel sa kanila?

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon