KWATRO

12 2 0
                                    

THIRD POV

Ngitngit at masama padin ang tingin ni Angelous Kay Allen makikita mo padin sa mga Mata nya Ang matatalim na pinupukol nya dito habang walang pakeelam sa nag rereport sa harapan ang kanyang kaklase.

Sa tindi ng kanyang inis di nya namamalayan na unti unti na nyang linulukot Ang Isang buong papel dahil sa tindi ng Galit. Kilalang tahimik at walang pakeelam si Angelous kaya sa ginawa nyang pag sigaw at pakikipag basag ulo Kanina ay nag bigay gulat sa kanyang mga kaklase.

Ang iba ay Natuwa at Ang iba ay Natakot dahil sa pinakitang tapang nG Binata.

Hindi nila lubos maisip na ang Isang tahimik na tao ay may tinatago at kahit sila ay di nila nanaisin na magalit ulit to.

Makalipas ng Ilang oras ay sa Wakas tumunog na din Ang bell at oras na upang manang halian. Ang mga estudyante ay nag mamadaling lumabas upang Puntahan Ang kani kanilang mga kasama upang Mag sabay kumain Ngunit sa kabilang dulo ay nag pupuyos padin sa Galit si Angelous habang sinasabayan ng kanyang mga Mata Ang Isang tao na papalabas na sa kanilang silid aralan.

Napangisi sya at makikita mo sa kanyang mga Mata ang pag nanais na gumanti dahil para Kay Angelous nag uumpisa palang sya Kaya pangit naman kung Ganun ganun na Lang matatapos Ang lahat. Sa Kabilang banda nakatingin naman si Ken Kay Angelous at malalim Ang iniisip dahil sa inaasta ng kanyang kaibigan. Di nya mabasa Ang iniisip nito pero may kutob sya na Hindi maganda Ang kalalabasan ng mang yayari sa araw naito. Kilala nya Ang kaibigan madalang Lang ito Mag salita at Kung makatingin ay aakalain mong laging may kaaway pero ganyan Lang naman kase talaga yan si Angelous pero sa nakikita nya ngayon.

-

Kasalukuyang nag lalakad sa ground sila Angelous at nababakasan padin ito nang Galit sa kanyang mga Mata.

Habang nag lalakad at Pinag titinginan sila ng mga tao Hindi dahil sa nang yari kanikanina Lang.

Nakita nya si Allen At Sumama Lalo ang kanyang timplA, linapitan nya ito at pag kakita sa Kanya ay iiwasan Sana sya nito pero Huli na.

Lumapit sya dito at Tinabig nya Ang hawak nitong shake. Natapon ito sa damit ni Allen pero nag sa walang kibo ito at Umiwas tumakbo sa hagdanan dahil sa takot.

Pero dahil sa Galit padin si Angelous ay sinundan padin ito si Allen at tumakbo ng bilis. Naiwan naman si Ken na di napigilan ang kaibigan na sundan si allen, napailing na lang ito at hinawakan Ang sintido na sumasakit.

------

Sa kabilang banda naman nakita ni Angelous si Allen na pababa sa hagdanan kaya hinarangan nya ito at hinawakan dibdib at binalya sa pader habang sila ay nasa hagdanan padin.

"nakatakas kana bumababa kapa" malamig na nakatingin Sabi nito sa Binata na nanginginig Ang kamay sa takot na baka anong gawin ng kaharap.

"bi-bbitawan mo ko A-angelous" takot at pangamba Ang mababakas sa muka ni Allen.

"natatakot ka sakin" sabay lapit sa muka ni Allen na aakalain mo hahalikan ito pero dumapo Ang mga labi nito sa gawing kaliwang Tenga sabay sabi nito "sa susunod piliin mo ang aangasan mo Lalo na ako" dahil sa narinig at takot ay naitulak nya agad si Angelous at napalayo ito sa Kanya. Patakbo na sana ulit sya para iwasan ito ay Mabilis namang nahawakan Ang kamay nya na napag patigil sakanya Kaya lumingon sya dito na nag mamakaawang Bitawan sya Ngunit na bigla sya nung sakalin sya nito at binalibag ulit sya sa pader.

Pinilit nyang tanggalin Ang nakahawak na kamay nito pero Hindi nya ito matanggal dahil sa Higpit nG pag kakasakal nito sa Kanya.

"a-ng-elous b-ita-w" Ngunit blangko Ang Mata ni Angelous at pakiwari mo Isang mabangis na hayop na handang handa pumatay ng kanyang katunggali.

Pilit pumiglas ni Allen ngunit Wala syang magawa dahil sa Lakas ng pag kakahawak sa kanyang leeg naisin man nyang sumigaw Ngunit bigo sya.
Ngayon nagsisisi sya dahil sa kanyang nagawa Kanina,  Akala nya Kaya nya ito Ngunit nag kamali sya. Hindi nya akalain na ang Isang tupa ay isa Palang lobo na handang manakmal Kapag itoy na gambala.

"ANONG NANGYAYARI DITO!"

Napabitaw ni Angelous kay Allen na habol Ang hininga at napatingin silang dalawa sa pinanggalingan nG sigaw. Ngunit ang mga Mata ni Angelous ay Wala pading nababanaag na kaba at takot bagkos makikita mo dito ang inis at pag kadismaya.

" kayong dalawa sumunod sakin" Sabi ng Isang guro na nakakita sa Ginagawa ni Angelous Kay Allen " Lalo kana " sabay turo Kay Angelous na pirmeng nakatingin Lang sa guro na nakasaksi nG kanyang ginawa.

Bago sumunod ay bumaling si Angelous Kay Allen.

"Isang pagkakamali mo pa" sabay ngisi nito na nag bigay ng ibayong kilabot Kay Allen "sa susunod Hindi Langyan Ang matitikman mo"







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKO MUNA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon