Mag-fa-five na ng umaga nang makalabas kami ni nanay. Ihahatid ko sana sya hanggang sa manggahan pero nagkasabay na sila ni Manang Ludy, yung nanay ni Samuel.
Ako naman ay dumirecho na sa mansyon.
"Magandang umaga ho manang Salud. Didirecho na po ako sa itaas para ho maayos ko na ang kwarto ni señorito."
"Magandang umaga rin Ava. Sigi umakyat ka na. Ipapasunod ko na kay Lerine ang mga ipampapalit mo na kobre kama"
"Ay sigi ho manang. Yung kurtina rin ho papalitan ko na."
"Ay oo nga pala ano hija. Sigi palitan mo na rin ang mga iyon. Sya nga pala anong kulay ba ang gagamitin mo sa kwarto ni señorito?"
"Yung blue na lang ho manang. Para malamig sa mata."
Umakyat na ako sa itaas. Hindi naman kailangan ng maiging paglilinis dahil kakalinis ko lang noong isang araw.
Pag akyat ko. May note na nakalagay sa pintuan. Sulat kamay yun ni manang. Natawa ako kasi hindi talaga sila pumasok para doon na lang sana sa mesa ilagay yung note.
Pagbasa ko, yun pala yung mga kailangang asikasuhin, palitan at ayusin sa kwarto ni Wess. Siguro isinulat ni manang para di niya makalimutan sabihin sa akin.
1. Palitan lahat ng takip. Mula sa kobre kama hanggang sa kurtina
2. Kailangang malinis na malinis
3. Itapon ang lahat ng picture na kasama si Clandine Allison.
4. Wag papalitan ang ayos.
Ok lang naman pala. Wala naman kailangang ayusin. Pero nagulat talaga ako na ipinapatapon na niya yung mga picture nila ni Clandine. Hay. Naalala pa kaya niya si Clandine?
Pagkatapos ng mahigit kumulang 2 hours napalitan ko na lahat. Well matagal akong nagpalit. Syempre ninamnam ko muna ang pagkakataon na mahiga sa kama niya.
Pagbaba ko nagkukumahog sila manang Salud sa pagluluto. Hindi naman ako kasama sa mga nakatoka sa pagluluto, pero para mapabilis tutulong narin ako.
"Manang tulungan ko na ho kayo. Ano pa ho ba ang kailangang ayusin?"
"Ay nako Ava mabuti't andito ka. Naku tulungan mo nga si Lerine na magluto noong sinigang na Sugpo. Iniwanan kasi siya ni Lilia eh. Umiiyak nanaman kasi yung baby niya"
Syempre um-oo ako. Sabi nga nila. The way to a man's heart is through his stomach. Tsaka kawawa naman si Lerine. Mamaya di pa masarap yun, mapagalitan pa si Lerine.
"Lerine, ano bang gagawin ko?"
"Ate Vanity! Mabuti andito ka. Alam mo bang magluto ng sinigang na sugpo?"
"Ah oo, mejo."
"Hay ate. Si manang Lilia kasi iniwan ba naman ako. Umiiyak daw kasi yung babay niya"
Ngumiti ako. Kawawa naman itong si Lerine pag di ako bumaba. Malamang umiiyak na 'to ngayon.
"Sigi maggulay ka na jan tsaka linisin mo na rin yung sugpo."
"Nalinis ko na po ate. Nakagulay na rin po ako."
"O sigi puntahan mo na lang si manang Salud at ako na rito."
"Opo ate"
Umalis na si Lerine at pumunta kay manang Salud. Hindi ko kapatid si Lerine. Lubhang magalang lang iyon kaya laging naka ate sa akin. 14 pa lang kasi siya.
Siya si Leana Shrine Victorio o mas kilala sa pangalan na Lerine. Anak si Lerine ng katulong dito sa mansyon. Gaya ko patay na rin ang mga magulang niya kaya inampon siya ni manang Salud. Wala namang anak si Manang eh.
Pagkatapos ng isa't kalahating oras luto na lahat ng pagkain. Andito na rin daw sa bayan ang mga de Silva. Nagstay kasi sila sa Maynila ng isang linggo, kaya mabilis lang ang kanilang byahe.
Maya maya nakarinig na kami ng busina ng sasakyan. Pinapila kaming lahat sa labas ng bahay. Bumukas ang pinto ng limousine at unang bumaba ang matandang de Silva kasunod ng kanyang may bahay.
Kasunod rin naman nilang bumaba ang mga anak. Hindi ko sila nakikita dahil ang dami pang katulong na mas nauuna sa akin sa pila. Alangan namang sumilip ako.
"Good morning ho señor Zach, señora Amelia. Señorito Wess, Señorito Daien at Miss Alex. Maligayang pagbabalik po."
"Nanay Salud. Kumusta ho parang mas lalo kayong gumanda ah. Kamusta naman ho ang mansyon habang wala kami?"
Si señora Amelia ang nagsalita. Kahit na mayaman na mayaman sila, mababait ang mga de Silva. Hindi man lang nga sila nagyayabang o nagmamalaki. Mabait sila sa lahat ng tao at higit sa kanilang mga tagasilbi.
"Ayos lang ho señora. Kayo ho ang mas lalong gumanda. Parang hiyang ho kayo sa America."
Maganda na noon si Señora Amelia. Tapos mas lalo pa syang gumanda ngayon?
"Haha. Nanay Salud mamaya na ho kayo magkamustahan at mag palitan ng bangkô kapag nasa loob na tayo."
Si señor Zach naman ang nagsalita. Kahit alam mong may edad na ay gwapo parin si Senyor Zach. Ganoon din naman and señora. Napakaganda pa rin.
Pumasok na sila sa loob. Naka-angkla si señora kay señor. Kasunod naman nilang bumaba ang mga anak nila.
"Ang gwapo talaga ni Daien. Kapag ako niyaya niyang magpakasal papayag agad ako. Hihi."
Narinig kong bulong ni Lerine. Hmm. Parang ganyan din ako kay Wess dati. Hehe. Nabigla ako nang may huminto sa harapan ko. Hindi ako nakapagsalita lalo nang inalis niya ang shades niya.
"Totoy ko.."
Short update ba kamo?? Hahaha
Love you guys thank you for reading!!
-carmela-
BINABASA MO ANG
Next to you
General Fiction"Damn you Ianne. You b*itch. You f*cking, gold-digging whore!" Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang sigaw ni Wess "Tama sila, I should've never trusted you. Hindi dapat kita kinaibigan. Ikaw pa Ianne, ikaw pa na...