"Itigil ang kasal!" hingal na bigkas ko kasabay ang tingnan ng mga tao sa loob ng simbahan.
Napatingin rin ang Groom at ang Bride, hindi ko maiwasang lumuha at manginig ang mga tuhod. Halatang nagulat ang lahat na kahit mismo sa sarili ko ay ganon din.
Nakatingin sila saakin na para bang nag aantay pa sa mga sasabihin ko, ang iba naman ay nagbubulong bulungan sa kung ano ang nangyayari.
"Luis, stop this! Hindi ko na to makakayanan pa!" sigaw ko na umecho pa sa loob ng simbahan at dahil doon lalong nagbulong bulungan ang mga tao. Nakita ko naman na papalapit si luis sa direksyon ko.
Pag dating nya agad nyang hinawakan ang pulsuhan ko.
"Ano bang ginagawa mo danica? Tapos na tayo!" Hindi ko maiwasang mas lalo pang mapaluha sa sinabi nya.
"Pero luis hindi ko kaya na gagawin mo pa ang bagay na 'to. Hon pwede pa naman na--" Naputol ang sinasabi ko ng magsalita sya. Bigla akong na blanko at tila ba bumalik ang mga alaala naming dalawa.
- 2 years ago -
Nandito kami sa sarili kong condominium ngayon at nag mo-movie marathon habang yakap nya ako, nasa balikat ko ang baba nya.
"Honey pwede bang dito nalang ako sa tabi mo habang buhay?" tanong nito sa kalagitnaan ng panonood namin. Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Kahit kailan napaka corny mo! Syempre pumayag na ako diba? Sabi ko naman sayo, ikaw na ang pinipili ko." Inangat ko naman sa ere ang palad ko at tiningnan ang nagniningning na singsing na binigay nya. Yes, luis already proposed to me.
Parehas kaming nakangiti ngayon, masayang masaya, dahilan pa na maramdaman ko ang mahigpit nyang yakap.
Ramdam ko ang bawat paghinga nya na dinadama ng leeg ko.
"Pag uwi ko ngayon sa bahay ipapaalam ko na sakanilang lahat ang kasalan na mangyayari." Mga salitang nagpasaya saking puso. Sana lang maging okay sa pamilya nya, specially his mom. Mainit ang dugo ng nanay nya sakin matagal na simula nung naging kami ni luis.
Ngumiti ako sakanya at binigyan sya ng halik sa labi. Maya maya pa ay biglang nag ring ang cellphone nya, masaya naman nya tong sinagot. Ngunit habang tinitingnan ko si luis nag iiba ang expression ng mukha nya.
"Sorry hon, i need to go now. Sinugod daw sa hospital si mama." sabi nito na nag aalala. Agad rin akong na alarma at kinuha ang coat nya, pinapunta ko na sya agad papunta don. Hindi ko na binalak na sumama kahit na pinapasama ako luis dahil baka lalo lang magkagulo kapag andon ako.
Mag damag din akong nag antay ng tawag ni luis para makibalita, last message nya pa ay yung nakarating na sya sa hospital, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Pagka gising ko kina umagahan, chineck ko kaagad ang cellphone ko. Nakita ko sa message bar ang message ni luis na nagsasabing magkita kami. Agad akong nagbihis at pumunta sa meeting place namin.
Pagdating ko don sinalubong ako ng malungkot na ngiti ni luis kaya agad akong nagtanong.
"Kamusta si mama?" kamusta ko sa mama nya.
"She's fine now." I felt relieved sa sinabi nya.
"Thank Goodness." Sabi ko sabay ngumiti. Napapansin ko na parang may gumugulo sa isipan nya.
"What's wrong, hon?" tanong ko rito. Ang bigat ng buntong hininga na pinakawalan nya.
"Danica, I know this is wrong pero hindi ko kayang tanggihan si mama." malungkot na pagkakasabi nya.
BINABASA MO ANG
Woman in Black
Short StoryDannica and Luis are planning to get married after luis proposed to dannica. They are already preparing for the wedding and to tell luis mom about the ceremony. Luis mom never likes dannica in the first place, kaya naman nahihirapan din silang sabih...