A/N: 1st one shot story ko po ito. I hope you like it. Please. Vote & Comment ;)
Mhijen's POV*
Hi? Kamusta ka na?
Naaalala mo pa ba yung araw na umuulan tapos umiiyak ako dahil sa ex ko tapos. Tinataboy na kita pero ayaw mo umalis. Hanggang sa namura na kita. Akala ko aalis ka na. Pero mali pala ko. Tumabi ka sakin at niyakap mo ako. Hindi na nga ako gumalaw kasi. Kailangan ko din ng may magko'comfort sakin at mukang mabait ka naman, hanggang sa binulungan mo ako ng...''Andito lang ako. Mahal kita matagal na."- sabi mo habang yakap mo ako.
Hindi ko alam kung ano isasagot ko nun sayo.
Hanggang sa nagdaan ang maraming araw, linggo, buwan at taon. Naging magkaibigan tayo. Lagi tayo naglalaro na parang bata. Mahilig ka pang mang-asar.Habang tumatagal nakakalimutan ko na ang ex ko. At minamahal na kita. Gusto kong sabihin sayo pero nahihiya pa ako.
In the past few days parang lagi kang matamlay. Para kang laging namumutla. Gusto sana kita tanungin kaso masyado kang madaming tanung sakin.
One day
"Oy tara libot tayo gusto mo?"- ikaw habang naka-akbay sakin.
"Oo naman. Sige, saan tayo?"- ako.
"Kahit saan. Gusto ko sa maghapon marami tayong mapuntahan"- ikaw
Nakapagtataka. Parang iba ka na. Ewan ko ba. Pero parang may mali.
-----
At sa buong maghapon marami nga kaming napuntahan. Sobrang saya kasi kasama ko siya, kasama ko ang taong mahal ko. Hinihiling ko pa nga kanina na sana huminto muna ang oras. Haha. Pero naisip ko marami pa naman araw. Saka malapit na nga pala birthday ko.
"Mhijen alis muna ko ha."- ikaw
"San ka pupunta? Sama mo ko"- ako.
"Hindi pwede. Hindi ka pwedeng sumama sakin." - ikaw
"Oh sige, balik ka agad ha. Hintayin kita"- ako.
Ngumiti ka lang at naglakad na palayo. Ilang oras na ko naghihintay pero hindi ka parin bumabalik.
Saan ka ba pumunta?
Hindi na ako nakatiis at hinanap na kita sa buong subd. Pero wala ka.
Ilang beses kita tinext pero walang responds na galing sayo.
Umuwi na ko para magpahinga. At bukas nalang kita kakausapin.
----
Pagpunta ko sainyo nakita ko agad ang pinsan mo na nagwawalis. Parang malungkot siya. Bigla siyang napatingin sa akin. At ngumiti siya pero halata parin sa muka nya ang lungkot.
"Kent asan si Tyler ? " - ako
"Umalis na s-siya kagabi pa. p-Pumunta na s-sa Cebu. Magbabakasyon daw"- kent
Iniisip ko kung bakit ganon na lang siya kung magsalita. May problema ba? May sekreto ba kayo na ako lang ang walang alam ?
---
Dumaan ang 2 linggo na hindi ka parin nagtetext sakin. Miss na miss na kita. Malapit na birthday ko. Sana umuwi ka na dito. Araw-araw kita iniisip. Namimiss ko na kulitan natin.