"How's Spain?" tanong ni Camille sa kaibigang si Faye.
"Still Spain," sagot nito sa kabilang linya ng telepono. "How's my godbrother Apollo?"
"Still grumpy but he sure cares for you."
Tumawa ito. "Paano mo nalamang grumpy ang kinakapatid kong 'yon?"
"Sino ba namang hindi matutuyuan sa attitude mo?" Naiiling na sumandal siya sa headboard ng kama. "Lahat ng kalokohang itinanim mo noon, ako ang umaani. Pero masuwerte ka pa rin. Concern siya sayo sa kabila ng lahat."
"Aha! Bakit may nahihimigan akong selos sa tono mo Camille Salonga?"
She coldly laughed. "Pangit ng banat mo Faye. Alam mo ang intindihin mo 'yang sitwasyon niyo ni Mick. We still got three days. Ano bang plano mo?"
Ilang segundong tumahimik ito. Pamaya-maya ay dinig niya ang paghinga nito ng malalim. "I think I'll just cross the bridge when I get there. Haharapin ko sina Mommy at Daddy. Hindi pumayag si Mick na mag-isa akong magpapaliwanag sa kanila. He will go with me on Switzerland. At bago 'yon, kailangan mo nang makaalis diyan Camille."
"Hindi ko ba puwedeng gawin 'yon ng mas maaga?"
"No!" agad na kontra nito. "Baka tawagan ni Kuya Apollo ang Mommy niya at automatic na tatawagan ng Mommy niya ang parents ko. Mabubulilyaso ang timing. Kailangang panatag sila hangga't di ko pa pinapasabog ang bomba."
"Para kang terorista kung makapagsalita."
Muli itong tumawa. "Alam mo kung wala tayo sa ganitong sitwasyon. Ikaw ang babaeng gugustuhin ko para sa kinakapatid kong 'yon. Ayoko ng ibang babae."
Pumikit siya. Di man niya nais ay gumaan ang loob niya sa sinabi nito. Pero wala siyang balak na aminin ang bagay na 'yon. "Puwes matuto ka nang tumanggap ng ibang babae, may girlfriend ang kinakapatid mo. At nandito kami sa Subic para lang sa proposal niya sa nobya niyang nakipag-cool off sa kanya," pagbabalita niya.
"What?! Who is that bitch?" parang nang-aaway na ang dating ng boses nito.
"Malay ko. Di ko pa nakikita. We are in the middle of girlfriend-hunting here on the resort."
"Sana hindi niyo na makita! Nalunod na sana siya o kaya naman tinangay ng alon papuntang Caledonia!" gigil na wika nito.
Sumimangot siya. "I think I understand your godbrother on why he's desperately trying to avoid you."
"Camille, my bestfriend! Huwag mong hayaang mapunta sa kung sinong babae lang si Kuya Apollo!"
"Wala ka bang tiwala sa taste ng kinakapatid mo?"
"Apollo sure looked like a playboy but he is actually nave. Hindi niya nakikita ang motibo ng mga babae sa paligid niya. Ako ang watcher niya noon—"
"At hindi na ngayon. Huwag mong problemahin ang pinsan mo. Sa nakikita ko, mas wais siya sayo." Umangat ang tingin niya nang marinig niya ang katok sa pinto. "I'll call you later Faye." Pinutol niya ang koneksiyon kahit tila hindi pa ito tapos sa sasabihin. Mabilis siyang bumangon sa kama at sumilip sa keyhole. Si Apollo ang nasa labas.
"Let's go grab something to eat. Dinner na. Baka sabihin mo ginugutom kita," bungad nito pagbukas niya ng pinto.
Tila on cue ang pagkalam ng sikmura niya pagkabanggit nito ng dinner. Tumawa ito. At natawa rin siya.
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomanceHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...