Kabanata 17

81 20 12
                                    

Sherine

Hindi ko alam ang mararamdaman sa oras na ito. I should be happy kasi graduate na ako. College na ako next school year at nalapit ko nang matupad ang pangarap ko. Pero bakit hindi ako masaya? Elias and I are both unhappy. Siguro dahil alam namin na may kulang?

Kahit anong pilit sa amin ni jen na maging masaya ay hindi namin magawa. So, we decided to go home, wala naman na kaming gagawin dito. And also, Lux is not here. Dahil pumunta na ito sa china, hindi ko manlang siya natanong kung ano ang dahilan ng pag-alis nila.

I'm in the middle of unlocking my door when I received a text from Ajay.

Ajay: Lets hang out? I need a friend to confined with. Please?

I sighed and texted back.

Ako: Nasaan ka? Sunduin mo nalang ako.

Ajay: paalis na ako sa bahay.

Wala akong nagawa kundi ang isara ulit ang pintuan at mag lakad palabas. Binati pa ako ni manang len at binigyan ako ng isang supot ng binatog. Nag pasalamat ako sa kaniya.

Habang nag hihintay sa labas ay umupo muna ako at kinain ang binatog na bigay sa akin. Hindi pa ako naka kalahati sa binatog ng may huminto na sasakyan sa tapat ko. I presumed that it's him.

"Hello- food trip a? Penge naman ako." Aniya.

Tumayo ako at binigay sa kaniya ang binatog.

"Anong balak mong gawin? Tumakas ka nanaman ba sa inyo?"

Natigil siya sa pag kain at tumawa. "You know me too well..." mapait siyang ngumit at binuksan ang pinto upang maka pasok ako.

"Nag-away na naman kayo ng papa mo? Bakit kasi napaka pasaway mo?" Asik ko sa kaniya.

He maneuver the car. "Bakit kasi hiniwalayan mo ako?" Balik na tanong niya.

"Anong connection nun?"

"Alam mo naman na ikaw ang gusto sa akin ni papa, nakita mo naman na kung paano s'ya nag luwag sa akin no'ng maging tayo diba?"

Natahimik ako. Isa iyan sa dahila kung bakit pumayag ako na maging kami. Dahil lagi siyang nag susumbong saakin na sobrang higpit ng papa niya sa kaniya at nagiging maluwag naman kung ako ang kasama. I don't know, but I feel like I want to help him that time.

Pero hindi ko naman talaga siya gusto kaya hindi ko na pinatagal pa.

"Alam mo naman ang dahilan..."

"Yeah..." he sighed. "Pinatikim mo ako ng saglit na kaligayahan... pero okay lang, ayoko naman kasing gamitin ka para sa kalayaan ko..."

"Saan ba tayo pupunta?" Pag babago ko sa usapan.

"Date?"

"Friendly date..."

"Friendly date then, hindi naman siguro magagalit si ranzel diba?"

Natahimik ako.

"Wala namang kami, so, bakit s'ya magagalit? Isa pa, wala s'ya dito." Pilit akong tumawa. "I am free to do whatever I want to do, so drive now!"

"Mabuti..."

Habang nasa byahe ay nag k-kwentuhan kami ng mga masasayang alaala namin noong high school pa kami. Lalo na 'yung lagi nilang pag tatalo ni Elias dahil burot ito sa tagu taguan. Bakit ka naman kasi mag papanggap na puno?

Pikon si ajay at pikon din si Elias pag dating sa laro kaya lagi silang nag-aaway. Syempre wala naman mag papatalo sa kanila kaya ititigil nalang namin ang laro.

Building Promises ( Ventura Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon