Chapter 2

23 3 0
                                    

2 days have passed and guess what? The love letter is still on my bag, nasa diary ni mama to be exact at 2 days na din akong ginagambala ng letter na yan. Hindi ko alam kung paano ito ibabalik kasi di ko naman siya nakikita dito sa university.

Kasalakuyan akong nakaupo dito sa coffee shop, kakatapos ko lang din bumili ng mga materials ko para sa painting na gagawin ko mamaya.

"Ang dami naman ata ng mga 'to, Mam Calla? Di ba mahal?", reklamo ni Ally.. well, I can say that Ally is a friend, anak siya ng nag-aalaga kay mama. Siya rin ang madalas na kasama ko sa flower shop ni mama.

"Kailangan yan eh..", nakangiting sagot ko. I don't want her calling me Ma'am kasi halos magkasing edad lang kami pero mapilit siya ehh, sobrang mapilit kaya hinayaan ko na lang.

"Naku nakakalula yung mga presyo! Pati tong kape na to? Aba nag 3n1 na lang dapat tayo sa shop may stock naman ako dun eh. Tignan mo na lang to, 190 para sa isang tasa ng kape eh kasing lasa lang naman niya yung kape sa shop. Dose lang kaya yun!", mahinang reklamo ni Ally. Ito ang gusto ko tungkol kay Ally, madaldal, kaya hindi ako nabuburyo kasama siya.

"Ganun talaga, Ally. That's business at isa pa okay naman tong place diba? Tahimik." Nakangiting sambit ko rito.

"Tahimik din naman sa shop ah", sagot pa niya ulit. Hands up, Calla. Maraming baon si Ally ngayon wag ka na sumagot.

Napailing na lamang ako sa sinabi niya, sabagay.

Tumingin ako sa aking relo.. alas nuwebe na pala. Kailangan na naming bumalik sa shop.

Sabado ngayon kaya half day lang ako, hapon lang ang klase kaya sa shop muna ako kasama ni Ally.

"Tara na sa shop, Ally.", Pag-aaya ko sa kanya. Dali dali naman itong tumayo at tinulungan ako sa pagdadala sa'king mga materials.

Naglakad na kami papunta sa sakayan ng keep, mabuti na lang at konti lang ang nakapila kaya nakasakay kami agad.

"Dapat kasi ma'am Calla kumuha na lang kayo ng kotse sa tatay niyo para di ka hassle palagi. Ang dami kaya sa garahe niyo wala namang gumagamit.", suhestiyon nito sakin. Haay! Mas sanay ako sa commute eh.

"Di naman hassle sa'kin ang pagcommute eh" ,sagot ko dito.

Matapos no'n ay di na siya sumagot at mga ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa shop. Inilapag ko ang mga materials ko sa mini table sa tabi ng counter. Naupo muna ko saglit at tumunganga lang sa kawalan habang binibilang ang mga taong dumadaan..

May mga ilang papasok sa shop para tumingin at magtanong tanong tungkol sa mga bulaklak. Yung iba bumibili, yung iba nagtatanong lang talaga, si Ally naman ang bahala sa kanila, siya ang sumasagot sa mga tanong nila..

Mga ilang sandali pa ay may pumasok sa pintuan ng shop, hmm medyo familiar. Di ko siya gaano makilala dahil nakasuot ito ng shades at sumbrero, siguro dahil sa tirik ang araw sa labas. He is wearing a plain black shirt and a denim pants.

He really look familiar..

Pero di ko lang talaga maalala eh.

Tinitigan ko lamang ito habang abala siyang tinitignan ang mga bulaklak, siguro'y namimili siya roon. Paminsan minsa'y inaamoy niya ang mga ito at nagiging rason iyon ng pagguhit ng ngiti sa kanyang labi.

Tila nawala ko sa sariling katinuan at patuloy lamang siyang tinitignan habang papalapit sakin..

Parang unti-unting bumagal ang oras at pagdampi ng hangin sa aking mga balat..

Ngunit napawi lahat ng aking imahinasyon ng bigla siyang magsalita, "I'm not prohibiting someone to stare at me, but please don't drool.",he chuckled while removing his shades and cap.. I told you, he's familiar.

The Day I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon