U N O

6 0 0
                                    

[ S E R A P H I M ]

I'll tell you how it feels and here's the hardest part
If you wanna reach for something real
You gotta see it in the dark
I wanna get lost in this moment
Keep both my eyes open

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Tinignan ko ang caller ID at sinagot ito nang makita ko ang pangalan ni Eros.

"Anong kailangan mo?" Bungad ko dito habang pumpagilid sa daan.

"Grabe wala man lang hello?"

"Anong pakay mo?"

"Napaka sama mo talaga. Nasan ka ngayon?" Napatingin ako sa paligid.

"Pauwi."

"Saan ka galing?" Napatingin ako sa hawak kong plastic na may lamang cup noodles at iba pang instant foods.

"Convenient Store."

"Magnonoodles ka na naman?"

"May kailangan ka?"

"Punta ka Temple. Training." Gaya niya sa tono ko.

"Bulol. Tss."

"Bwiset na talaga! Napakapanira!"

"Ge." Sagot ko at binabaan siya.

"Dalha—"

Hindi ko na narinig sinabi niya dahil tuluyan nang namatay ang tawag at pumalit ang natigil na kantang pinapakinggan ko kanina. Patuloy akong naglakad pauwi sa apartment na inuupahan ko. Nilagay ko ang mga pinamili ko sa mesa at niligpit na ang mga gamit ko.

Friday na ngayon at bukas ang schedule ng byahe namin ni Eros papunta sa Ile de Lunean. Isang linggo nalang bago ang muling pasukan sa Mergeio, parang normal lang naman kung titignan ang aming paaralan pero ang hindi lang pangkaraniwan dito ay ang pagkakabukod namin sa isang isla at ang uri ng estudyanteng nag aaral doon.

Matapos kong magligpit ng aking mga gamit ay agad na kong umalis sa apartment. Nagjogging ako papuntang templo na malapit sa bahay nina Eros. Parte ng physical training ko ang pagjajogging papuntang templo sa tuwing tatawagin ako ni Eros para mag ensayo.

"Seraph!" Tawag sakin ni Eros habang kumakaway. Nasa tabi rin niya ang pinsan niyang si Pleryl.

Naglakad na ako patungo sa kanilang dalawa. Bakas parin sa mukha ni Pleryl na medyo nanghihina ito dahil sa naging laban namin kontra sa gobyerno ng mga mortal magtatatlong buwan na ang nakalipas. Isa lamang si Pleryl sa anim na nabuhay sa mga kaklase nila dahil sa sagupaang iyon.

Isang dosenang di matatapatan at mahahalagang magus ang nagbuwis ng kanilang buhay upang isalba ang mga kabataang inexpermentuhan ng gobyerno para sa kanilang pansariling benepisyo. Higit sa kalahati ng kabuuan ang bilang ng mga batang magus na natagpuang wala nang buhay sa loob ng mga kapsula.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

H I D D E NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon