7 YEARS AGO
"Ang ganda ganda mo talaga, Monique.." Pagpuri ng ginang sa dalaga nang si Monique. "Parang kahapon lang ay nakita pa lang kitang madungis at mabaho." nakangiwi nitong dagdag, inalala ang una nilang pagtatagpo labing isang taon na ang nakalipas. "Pero ngayon,, dalagang dalaga kana, at u......bod ng ganda....." mahaba at napapapikit na sabi pa nito, natawa nalang ang kausap nito habang nakatingin sa salamin, sinusuklayan kasi siya ng ginang na kumupkop sa kanya matapos mangyaring abandunahin siya ng sariling ina. "Kailan mo ba kasi sasagutin si Liam, ha??" tanong nito habang sinusuklay ang maitim, mahaba, at maalon nitong buhok na abot hanggang bewang.
"Mom, can you please stop telling that to her??" bigla namang reklamo ng binatang si Liam, kararating lang niyon galing sa eskwela kaya't hindi namalayan ng dalawa na nakauwi na ito.
"Oh, darling. Hindi ba't totoo naman na may gusto ka kay Monique??" nang aasar na tinig nito sa sariling anak, si Monique naman ay napapangiti na lang.
"What are you smiling at?" masungit nitong baling sa dalaga, ang masamang panahon ay maipipinta sa mukha nito.
"Kamusta ang araw mo, Liam?" nakangiting tanong ng dalaga sa binata, umaasang magbabago ang reaksyon sa mukha nito na hindi niya naman ikinabigo dahil napayuko nalang ito at halatadong napangiti sa tanong na iyon ni Monique.
"Uh, uh, uh!! Baka nakakalimutan niyong may kasama kayo..." pag didiin ng ginang sa huling salita na sinabi. Pero hindi natinag ang binata sa pag ngiti, nag angat ito ng tingin sa dalaga nang may ngiti sa labi. Heaven! Iyan ang pakiramdam niya kapag nakikita niyang nakangiti ang matagal na niyang gustong babae, at ginugusto pa niya habang lalong tumatagal.
"Will you please,,, be my girlfriend? Ugh!!" Iyon ang nasabi ng binata sa isip at nag imagine ng kung ano-ano....
Ang binatang nakangiti sa ere ay pinagtatawanan na lang ng dalawang babae sa harap nito. Ngunit nawala ang ngiti na'yon at napanguso nang batukan ito ng sariling ina. "Kung ano-ano na namang iniisip mong bata ka! Ikaw ahh, masiyado ka nang halata..." binigyan nito nang maasim na mukha ang anak at tinapik tapik ang pisngi nito. "Magluluto na ako, lover boy!" dagdag nito habang palipat lipat ang tingin sa dalawa.. Bigla itong lumapit sa dalaga at bumulong dito. "Batukan mo kapag sinungitan ka ha?" utos nito habang nakatingin ng masama kay Liam, napabungisngis naman ng todo ang dalagang si Monique.
"What did you whisper to her??" nagtatakang tanong ng binata pero hindi siya sinagot ng ginang, bagkus ay lumapit ito sa sariling anak at bumulong din dito.
"Kumilos ka, Liam! Wala akong anak na torpe! Do your moves!" asik nito.
"Mom....." mahabang tawag ng binata sa ginang, naiinis dahil batid niyang inaasar sya ng sariling nanay..
Ngumiti lang ang ginang at tuluyan nang nilisan ang kwarto ni Monique..
Nanatiling nakatayo lang si Liam nang lapitan siya ng dalaga., At tinitigan sa mga mata.
"What's with that gaze, huh??" Kunwaring masungit na tanong ng binata, tinatago ang labis na pagkakilig, na halos ikaluwa ng puso niya sa sobrang kilig.
"Luluwa na ata ang puso ko!!" Iyon ang nasabi ng isip niya.
"Tsinitsek ko lang kung anong nagbago sa'yo. Pakiramdam ko talaga ay may naiba sa hitsura mo, Liam." sinabi iyon ng dalaga habang inililibot ang paningin sa mukha ng kaharap, hinahanap kung ano nga ba ang nagbago. "Aha!! Bakit ka nakaliptint, Liam??" tanong nito dito na ikinabigla naman ng binata..
"Hindi ako nagliptint!!" pagdipensa nito, ngunit hindi na nakapalag nang batukan siya bigla ng dalaga, napatawa naman ang kaharap dahil sa sariling ginawa. "Why did you strike me on my nape???!" pag asik nitong muli sa dalaga, hindi nagustuhan ang ginawa ng kaharap.
"Iyon kaya ang binulong sakin ni tita kanina." napanguso nitong tugon sa binata.
"Na batukan nalang ako bigla???"
Napatango ito. "Kapag sinungitan mo ako." malungkot na sagot ng dalaga, tinatago ang sobrang tuwa sa kaloob looban niya, natatawa siya sa hitsura ng taong kaharap dahil para itong bata kung umasta. Hinawakan niya ang labi ng binata at bahagyang idiniin ang daliri.. Dahilan ng pag atras ng binata, napapalunok at kabado nitong tinignan nang maigi ang maamong mukha ni Monique. Nagtaka ito nang biglang ngumiti sa harap niya ang dalaga. "Sabi mo hindi ka nakaliptint??" huli na nang mapansin ni Liam ang daliri ng dalaga na nagkulay milokotan (peach). "Aha! Bakla ka Liam!" sinadya ng dalaga na itaas ang boses, kaya't dali daling tinakpan ng binata ang bibig ng dalaga.. "Hmmm!! Hmmm!" tuloy ay hindi niya maunawaan ang sinasabi ng dalaga, kaya't binawi niya ang dalawang kamay, sinarado ang kaliwang kamay, at nilagay iyon sa sa bibig na para bang uubo. "Bakla ka, Liam???" mataas na boses muli ang pinakawalan ni monique kaya't hindi na nakapagpigil ang binata.
"Aish!!! Hindi ako bakla!! Ayoko sa bakla, kaya hindi ako bakla Monique!" pagbitaw ng binata sa mga salitang iyon nang may diin sa letra, hindi na bago sa kaharap ang mga sinabi dahil alam na ng dalaga ang katotohanang iyon tungkol kay Liam.
"Ewan ko sayo, Liam.. Kaya pala ang sungit sungit mo sakin, kasi bakla ka.." kunwari'y nandidiri nitong pang aasar sa binata..
"Isa pang banggit mo sa salitang 'yan......"
"Bakit, Liam?? Bakla ka 'diba??"
"Isa....." pigil na salita ng binata, inumpisahan ang bilang hanggang tatlo.
"Bakla, bakla, bakla." patuloy lang sa pang aasar ang dalaga, gusto niya kasing nakikitang nakabusangot ang hitsura ng binata, kaya't tuloy lang siya.
"Dalawa........." ikalawang bilang ng binata, para bang desidido na sa balak gawin sa kaharap..
"Naiinggit kaba sa buhok ko, Liam? Kaya pala nakatitig ka sakin parati, kasi naiinggit ka sakin dahil bak----"
Agad nabitawan ng dalaga ang hawak na suklay, at gulat na napatitig sa mukha ng binatang si Liam.
Bumagal ang takbo ng segundo, maging ang mga minutos, ang mga mata ng dalaga ay nanlaki dahil sa ginawa ng binata sa kanya, para bang namanhid ang buo niyang katawan at hindi magawang gumalaw.
Habang nakapikit ang binatang si Liam ay nanatiling nakadikit ang kanilang labi. Ang bagay na iyon ang nakapagpatahimik sa pang aasar na dala ng dalaga. At iyon ang kauna-unahang halik na naranasan ng dalawa, halik na hindi mapapantayan ng kahit na sinuman.
Nang matauhan ang dalaga ay bigla nitong naitulak ang binata, napayuko, at para bang hinihiling niyang lamunin nalang ng kinatatayuan dahil sa kahihiyan.
"Hindi ako bakla, Monique. Dahil kung bakla ako ay hindi kita magagawang halikan." sabi ng binata habang pinagmamasdan ang nakayukong dalaga, hindi ito tumugon sa sinabi ng binata at napapahiyang tumalikod kay Liam. Akmang aalis na hindi nagawa matapos marinig ulit ang boses ng binata. "Mag asikaso kana, I'll give you a ride to your school." dagdag nito, at nilisan ang kwarto..
Itutuloy ...
Love after Death
BINABASA MO ANG
Love after Death
Любовные романыMaaari nga bang magdulot ng panibagong trahedya ang bagay na itinuring nang bilang isang trahedya noon? Love after Death literally means the love of a woman after her death. What will happen if she has been transmigrated into a man's body? Would it...