Liam.
May nagtanong sa'kin... Ano raw ba ang nakita ko sayo kung bakit kita ka-mahal ng ganito?
And my only answer was, everything!
Dahil ikaw ang lahat para sa'kin, mahal ko. Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo, dahil ikaw ang mundo ko.
Monique.
Sa dinami-rami ng taong mamahalin ako ng sobra, bakit ikaw pa na handang gawin ang lahat para lang sa'kin?
Salamat, mahal kong Liam..
Pero pasensya kana dahil hindi kita magagawang samahan sa pagtanda natin.
Liam.
Ikaw ang kaligayahan ko Monique, kaya please huwag mo akong iiwan. Dahil guguho ang mundo ko kapag nawala ka sa piling ko....
Monique.
Kailangan kong umalis dahil iyon ang tadhana ko, kailangan kong iwanan ang buhay ko sa mundong 'to dahil ang buhay na hiniram ko lang ay binabawi na sa akin. Patawarin mo ako mahal ko..
Liam.
Hindi ko kaya... Hindi ko kaya, mahal ko.. Kumapit ka dahil patuloy kolang hahawakan ang mga kamay mo... Mananatili ako sa tabi mo Monique dahil mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita..
Monique.
Ikaw lang ang mamahalin ko... Ilang panahon man ang lumipas, hanggang sa buhay ko'y magwakas. At kahit sa ilang ulit kong buhay at pagkakataong bawiin ito, hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo.. Dahil ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko..
Babalik at babalik ako para sa'yo...
Dahil sisiguraduhin kong kasunod ng kamatayan ko ay ang pagmamahal ko sa'yo aking mahal....
Itutuloy ...
Love after Death
BINABASA MO ANG
Love after Death
RomanceMaaari nga bang magdulot ng panibagong trahedya ang bagay na itinuring nang bilang isang trahedya noon? Love after Death literally means the love of a woman after her death. What will happen if she has been transmigrated into a man's body? Would it...