KABANATA 2

22 2 0
                                    

Kabanata 2-Ang Planong Pagtakas

Maaaga ako nagising dahil gusto ko malaman kung may nahanap na silang solusyon sa problema sa palasyo.Nagtungo agad ako sa punong-bulwagan upang pag-usapan ang magiging solusyon sa problema.

"Magandang umaga,Mahal na Prinsesa Alexandra."

"Magandang Umaga rin Dama Maria.Akala ko ngayon ang alis mo papuntang maynila."

"Mamayang hapon pa po iyon.Sa ngayon,Aalagaan ko po muna kayo."

"Ganoon ba,Sige samahan mo muna ako sa punong-bulwagan."

"Sige po Prinsesa Alexandra."Yumuko sya sa harapan ko bilang paggalang.

Nang marating na namin ang punong-bulwagan ay agad nagtinginan lahat ng miyembro ng punong-konseho.

"Nariyan ka na pala Prinsesa Alexandra.Halika't maupo ka na rito para mapag-usapan na natin ang sulinarin ng ating palasyo."

Gaya ng sabi ng isa sa mga konseho ay umupo ako.Nakita ko sila amang hari,Inang reyna at ang mga kapatid kong sina Annah at Alexander.

"Ano ang iyong suhestiyon sa upang matugunan ang ating problema Mahal na Hari?"

"Kung sabihin natin sa kanila na si Prinsesa Aliyah ang pumatay sa mga guwardiya nila."

"Hindi nga tayo pwede magsalita laban sa kanila."

"Ano pang suhestiyon?"

"Pwede tayong magsampa ng kaso sa kanila.Tayo ang sinisisi kahit wala silang matibay na ebidensya."

"Pwede ang sinabi mo.Pero paano?"

Nakikinig lang ako sa kanila dahil wala talagang pumapasok sa isipan ko kung ano ang gagawin ko para malutas ang problemang ito.

"Prinsesa Alex,May Suhestiyon ka ba?"

"Hindi ko alam."Biglang tumayo si Ama.

"Ikaw ang susunod na reyna Alex.Kailangan tumulong ka para sa ating palasyo.Gusto mo bang maging reyna na walang palasyo?"Ayoko maging reyna kung walang palasyo.

"Hindi ko po talaga alam."Tumayo ako sa aking inuupuan at naglakad papuntang Silid-tulugan ng may naalala ako.

"Mamaya hapon pa po iyon.Sa ngayon,Aalagaan ko muna kayo."

Aalis si Dama Maria mamayang hapon.Pupunta syang maynila para alagaan ang kanyang kapatid na may sakit.Kung sumama kaya ako sa kanya at para matakasan ko na rin ang problema rito.Kung ganoon tatakas ako mamayang hapon.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon