Death Bed

8 3 2
                                    

"Don't stay awake for too long. Don't go to bed. I'll make a cup of coffee for your head. I'll get you up and going out of bed." Napangiti ako sa lamig ng boses niya.

"Your voice makes me want to kiss you." Pilya kong sabi dahilan upang mapatigil siya sa pagkanta.

"Kiss me, then." Binitiwan niya ang gitara at lumapit sa akin.

Napanguso ako ngunit dinampian siya ng halik sa labi.

"I love you so much, my love." He said sincerely and seriously.

"I love you more." Aniko at niyakap siya ng mahigpit na parang ayoko nang bumitiw pa.

"Let's date?" Bulong niya sa akin.

Tumango ako at bumitiw na sa pagkakayakap sa kaniya.

I found myself in a white dress with a flower crown on my head. Nasa gilid kami ng dagat at pinapanood ang mga alon.

"You look dashing, as always."

Vincent is wearing a white long sleeved and a simple white pants. Ang buhok niya ay maayos ngunit tinatangay ito ng hangin.

Napangisi ako at ninakawan siya ng halik.

"Tss." Sabi niya lamang ngunit ngumiti rin. "You love kissing me, huh?"

Confident akong tumango sa kaniya.

"Let's walk, Love." Sabi niya at kinuha ang kamay ko.

Naglakad kami habang magka-hawak kamay. Walang tao sa lugar na ito kaya hindi na rin ako nahiya. Mabuti nga 'yon dahil nagagawa namin ang aming gusto.

"How many babies do you want, Love?" Tanong niya.

"Hmm..." Nag-isip ako. "I want three! Why? Di pa nga tayo nagpapakasal eh!"

"Can you move on when we break up?" Tanong niya kaya napatigil ako.

Masama ko siyang tinignan.

"We're not gonna break up." Pagalit kong sabi ngunit natawa siya.

Hinawakan niya ang baba ko upang bumalik sa kaniya ang tingin ko.

"What if lang?" Tanong niya ulit kaya umirap ako.

"Maybe. Pero hindi ko hahayaang magbreak tayo 'no!" Ngumuso ako. "Pagod na akong maglakad. Let's just wait for the sunset here."

Umupo ako sa buhangin at tinignan ang araw na papalubog pa lamang.

Naramdaman ko siyang umupo sa aking tabi.

"I don't like sunsets." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Why? Sunsets are beautiful."

"Sunset reminds me that the day always ends. It also reminds that there's really no permanent in this world. Lahat natatapos."

"May kinabukasan naman, Love." Aniko at bahagyang natawa.

"Eh paano kung wala?" Seryoso niyang tanong sa akin dahilan upang mapatigil ako.

"What do you mean?" Mahina kong tanong.

Napailing siya at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Tahimik lamang kami habang pinagmamasdan ang papalapit na paglubog ng araw.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at ngumiti.

"Sana next time ganito ulit date natin."

Tahimik lamang siya at hindi sumagot.

"Love, can you promise me that you'll gonna be happy after this day?" He asked.

"I'm always happy when I'm with you."

Death BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon