Saddest Dream (ONE SHOT)

34 9 28
                                    

Note: Ang kwentong ito ay kathang isip na biglang sumagi lamang sa aking isip. Nawa'y magustuhan ninyo ang maikling kwento na aking nabuo ko. Salamat po 😉

.....

Ako si Margarita Cristobal. Bunso sa walong magkakapatid. Anim sa mga kapatid ko ay may sarili ng pamilya at dadalawa nalang kami ng ate ko Syntia ang natitirang kasama nila nanay at tatay sa pangingisda. Kinalakihan na namin itong trabaho nila kaya sanay narin kami.

Minsan pag maraming huli ay ginagawa naming daing, minsan naman ay pinang babaon namin kapag pumapasok kami nang paaralan.

Labing walong taon gulang na ako at unang taon na ako sa kolehiyo. Kailangan naming lumuwas at sa Maynila mag aral dahil mas high standard at quality education ang ibibigay sa akin sabi ng ate ko. Kukuha kasi ako ng kursong pagkaguro para matulungan ang mga bata sa isla namin na hindi mabigyan ng oportunidad na makapag aral.

Medyo kinukumbinsi palang ang sarili na kayanin ang manirahan sa syudan na ito. Walang kakilala, walang kaibigan. Puro mayayaman at minsan nanliliit ako sa sarili ko dahil sa ganda ng mga suot nila habang ako kupas na palda, simpleng blouse lang na regalo pa ni nanay noong kaarawan ko at sandal na bigay naman ni ate Korina, ang pang anim na kapatid ko na kumuha sa amin ni ate Syntia dito sa Manila.

Minsan pinagmamasdan ko rin ang mga mag aaral at pinapakinggan ang mga sinasabi nila ngunit gumigilid nalang ako dahil hindi ako makasabay sa mga pinag uusapan nila. Kung pupwede nalang sana ay bumalik nalang ako sa isla. Kaya ko naman silang turuan ang mga bata kahit hindi na ako kumuha ng pagkaguro. Kung ano ang alam ko, pwede ko yun ituro sakanila pero sabi naman ni nanay na kumuha parin daw ako para madagdagan pa daw ang alam ko at mas marami akong maituro sakanila.

Nakakita ako ng isang lugar sa paaralan kung saan walang masyadong dumadaang studante. Naisip ko na dito nalang ako lagi tumambay tutal ay ako lang naman ang napapadpad dito sa lugar na ito. May isang puno ng umbrella tree ang nasa gitna ng lugar kaya agad akong tumungo upang sumilong at umupo. Inilabas ko ang mga aklat ko para makapagbasa. Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay nakatulog ako.

Naalimpungatan ako at napansin kong wala na ako sa lugar na kung saan ako huling tumambay. Narito ako ngayon sa klasrum at kasalukuyang nagsasalita ang isang propesor na hindi ko naman nakikita dito sa paaralan.

Nasaan ako? Muli kong nilibot ang paligid ngunit napako ang tingin ko sa lalakeng katabi ko na nakatingin at nakangiti sa akin. Bat niya ako tinitingnan? May dumi ba ako sa mukha? Muli kong tiningnan ang lalake ngunit sa harapan na siya nakatingin.

Nang akma akong tatayo at lalabas naramdaman ko ang basa na bumabagsak sa akin sa taas at bigla akong nagising na isang panaginip lang pala iyon. Umuulan na pala kaya agad din akong naghanap ng masisilungan.

Ilang oras na ang nakakalipas ngunit hindi maalis ang mukha ng lalake sa panaginip ko. Pwede ba akong humanga sa lalake na sa panaginip ko lang nakita? Napakaimposible na mauulit ang muli na mapanaginipan ko muli ang lalake ehh hindi ko naman kilala at mas lalong hindi ko pa siya nakikita. Nilibang ko muli ang sarili sa pagbabasa hanggang naantay ko oras para sa susunod na klase ko.

Kinabukasan ay muli akong pumunta sa lugar na iyon upang tumambay at magbasa. Napakatahimik kasi at mas napapayapa ang isip ko kapag mag isa lang ako.

Muli akong dinalaw ng antok sa lugar na ito at nakatulog. Pagdilat ko ay nasa isang bahagi ako ng paaralan kung saan may mga naglalaro ng soccer at isa ako sa mga nanonood sakanila. Bakit narito ako? Anong ginagawa ko rito.

Muli kong inilibot ang paningin ko at ni isa sa mga studante na naroon ay hindi ko kilala. Nasa ibang paaralan ba ako? Napalingon ako sa field at nakita ang parehas na mukha ng lalakeng nakita ko sa unang panaginip ko. Sino siya at bakit nakikita ko nanaman siya? Hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ngunit bago pa ako tumayo ay nahawakan niya ang palapulusuan ko. Literal na nahawakan niya na feeling ko totoo siya. Hindi ba ako nananaginip? Paano nangyari na andito ako ngayon?

Saddest Dream (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon