This is a work of fiction. The names, characters, places and incidents are products of Author's imagination or have been used fictitiously. Any resemblance to actual person, living or dead, events and locales is entirely coincidental.
---------------------------------------------------------
[You see her when you close your eyes. Maybe one day you understand why. Everything you touch surely dies] ♫♫
"Damien... Please… Don't…”
"Ughhh!!!"
Marahas kong naimulat ang aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon, ni hindi ko namalayan ang mga namumuong butil ng pawis sa aking noo na ngayo'y tumutulo na sa aking mga mata.
Nahihirapan akong huminga, tila ba ako'y nakipag-karera sa pinakamabilis na nilalang sa mundo. Tumayo na ako mula sa kama, pasado alas tres pa lang ng madaling araw, masyadong maagap pa kumpara sa aking normal na gising.
Binuhay ko ang lampshade sa tabi ng aking kama, nakuha agad ng basag na picture frame ang aking atensyon. Wasak na wasak ito, tila ba ay sinadya ang pagkakabasag. Siguro dahil lang sa lakas ng hangin na nagmumula sa bukas na bintana ng kwarto.
Dinampot ko ang litrato, hindi katulad ng picture frame, maayos ito, nga lamang ay ang mga bahid ng dugo na nagmula sa aking daliri. Hindi ko namalayan na nabubog na pala ako. Pinunasan ko ang litrato, at unti-unting naging malinaw ang larawan ng isang babaeng may malaking parte sa aking pagkatao.
Siya si Lauren.
Hindi ko magawang alisin ang titig ko sa litrato, tila ba ay napako ang aking paningin. Ngayon ko lang napansin ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata, ang lalim ng kanyang mga pisngi at mga labi niyang may ngiti man ay mababanaag pa rin ang pait.
Hanggang ngayon, ginugulo pa rin ako ng kanyang mga alalaang ibinaon ko na sa limot. Mga alaalang kailanma'y hindi ko na maibabalik, hindi ko na maitatama. Mga alaalang pinagsaluhan namin ni Lauren.
Nasaan na kaya siya? Simula kase nang araw na iyon, wala na akong balita sa kanya. Saan na kaya siya nagpunta? Bigla na lang kasi siyang nawala na parang bula, basta na lang umalis nang hindi man lang nagpapaalam.
Hindi man lamang namin naayos ang hindi namin pagkakaintindihan nang araw na iyon. Paano ba naman kase, nakita ko sila ng bestfriend niyang magkasama. Wala naman silang ginagawang masama, pero anak ng tokwa, ako ang boyfriend pero sila ang mas madalas magkasama?
Anong iisipin ko dun?
Oo, alam kong hindi ako perpektong boyfriend sa kanya pero ang alam ko lang, mahal ko siya.
Mahal na mahal.
Hindi ko man madalas sabihin sa kanya noong nandito pa siya, alam kong alam niya na mahal ko siya. Kung pwede nga lang itago siya sa lahat ng lalaking makakakita sa kanya, ay naitago ko na siya.
Ganoon ako magmahal, hindi ko lang alam kung naramdaman niya iyon o nakulangan pa siya roon. Kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung anong dahilan ng pagkawala niya.
Ah! Siguro nakahanap na siya ng mas guwapo sa akin o mas malaki ang kargada.
O baka naman sumama na siya dun sa bestfriend niyang mukhang bakla.
Umakyat ang dugo sa ulo ko sa isiping iyon, kaya binitawan ko ang litrato.
Bumaba na ako sa mansyon. Hanggang ngayon, naninibago pa rin ako. Dati-rati kasi, sa tuwing bumababa ako ng hagdan pagkagising, ay napupuno ang aking ilong ng amoy ng bawang at sibuyas na iginigisa ni Lauren.
BINABASA MO ANG
Haunted [One Shot]
Mystery / ThrillerCaught up in his darkness, will his love prevails?