8 years AGO
"Lorenz, Maria, tara laro tayo" aya ko sa mga kaibigan ko
"Tara" sabay na sabi nila
"Anong lalaruin naten Dana?" tanong ni Maria saken
Napaisip naman ako kung anong lalaruin namin.. Napahawak ako sa baba ko na para bang nag iisip.. Nakatingin lang saken sila Lorenz at Maria, inaantay nila ang lalaruin namin..
"Eh kung piko? Okay lang ba?" tanong ko sakanila
"Sige!" masaya at sabay na sabi nila dalawa
Naglaro lang kami buong maghapon.. Naglaro din kami ng tumbang preso, luksong baka, chinese garter at taguan.. Ansaya talaga maglaro..
***
PRESENT
"Uyy Dana, anong iniisip mo ha??" tanong ni maria saken kasama nya si Lorenz at umupo sa tabi ko at inabot ang isang baso ng fishball
Andito kami sa park.. Nag aya kasi si Lorenz na magbonding daw kaming magkakaibigan kaya dito kami napadpad HAAHAHAHA.. Madaming nagtitinda ng street food sa paligid at mga batang naglalaro..
"Ah wala naman.. Naalala ko lang yung mga panahon na palagi tayong naglaro.. Namiss ko lang HAHAHAHAHA" kwento ko sakanila habang nakatingin sa mga batang naglalaro
"Oo nga eh HAHAHAHAHA pwede naman tayong maglaro eh" sabi ni Lorenz, biglang na lang kaming natawa ni Maria
"Teenager na kaya tayo HAHAHAAHHA" natatawang sabi ko
"Eh ano naman?? Pake ba nila kung maglaro tayo ng ganun diba?? HAHAHAHAHA" sabi ni Lorenz
"May punto ka naman" sabay na sabi namin ni Maria
"Eh ano naman lalaruin naten Lorenz??" tanong ni Maria
"Habulan.. Taya! HAHAHAHAHAHA" tinaya ako ni Lorenz kaya tinaya ko si Maria sa tabi ko at tumakbo
"Oyy.. Madaya kayong dalawa ahh" inis na sabi ni Maria samen habang hinahabol kami
"Dali.. Habulin mo kami Maria HAHAHAAHHA" pang aasar ni Lorenz kay Maria
"Humanda kayo saken pagnaabutan ko kayo" banta ni Maria HAHAAHAHAH ang cute nya talaga pag naiinis
Naghabulan lang kaming tatlo.. Hanggang sa napagod na kami at naupo uli sa pwesto namin kanina
"Hayyy.. Nakakamiss maglaro at maging bata" sabi ko
"Oo nga ehhh.. Hayyyy" sabi ni Maria
Pinapanood lang namin maglaro yung mga bata dito sa park.. Masaya silang naghahabulan, makipagpatintero at kung ano ano pa.. Nung maggagabi na ay umuwi na kaming tatlo.. Magkakalapit lang ang mga bahay namin kaya naging close kami..
***
"Nak, anjan ka na pala.. May sasabihin kami ng papa mo" sabi ni mama pagkakita nya saken
"ano po yun?" tanong ko
"intayin muna natin papa mo" sabi ni mama saka pumunta sa kusina, magluluto ata ng hapunan
Umakyat muna ako at pumunta sa kwarto ko.. Nagpalit ako ng damit at pagkapalit ng damit ay humiga ako sa kama.. Kinakabahan ako sa sasabihin nila mama.. Nakatingin lang ako sa kisame at inisip ko yung mga problema ko sa school, at sa iba pa..
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryAng libro na ito ay ang pinagsama samang one shot stories ko. Hindi po ito by chapter... Sana po ay inyong suportahan ang aking mga likha. Maraming Salamat!! - Ysay (azyllaelocinanival)