FRIENDS AT ALL :))

27 1 1
                                    

JEALOUS means you won't let that someones you long for grab by someone too.

It is the matter of fact that you love someone knowing that you don't want to lose in your life because it has a part even just in lil bit.

-]] SARAH-VEM ..

Yung feeling na wala kang magawa dahil hindi kayo kung kaya't lihim kana lang nagseselos sa mga taong naging parte ng buhay niya kahit pansamantala.

Takot kang umibig dahil sa mga karanasan mo na sana kung pwedi lang burahin ay ginawa muna. Ngunit sa puntong ito,ano kaya ang gagawin mo kapag nagbabalik naman ang sitwasyon na pilit mong ilibing nalang at hayaang mawala ay sa kasalukuyan kang hinahabol naman. Sa pagkakataong ito paano mo kaya hahawakan ang iyong kapalaran kung mismo ito ang nagbibigay sa iyo nang daan upang makita mo ang kung ano ang kahihinatnan??

Masasabi mong kay damot nang tadhana dahil pagkakataon muna sana ngunit nawala pa at tuluyan na talagang mawawala.May mga bagay na nangyayari sa hindi sinasadyang pangyayari kumbaga hindi mo inakala na mangyayari sa iyo ang napakapanget na karanasan mo sa buhay.

Sabay sigaw nalang malapit sa baybayin upang maibsan naman ang mga pasakit na nararamdaman. Kaylupit ng pag-ibig kung bakit hindi siya naging sayo pero sa mga ipinapakita niya ay parang kayo !!

Tunay ngang nagmamahal ang tao kapag siya ay nasaktan sa kadahilanan nang pag-iintindi sa sitwasyon na hindi naman dapat intindihin pa.Walang kamuwang-muwang ang tao kapag siya ay isinilang,pero pagdating ng panahon sa mga pagkakataong dumarating sa kanyang buhay ay isang mitsa upang siya ngayo'y mag-iisa at isipin na walang karamay.

Sasabihin sa sarili na hindi ginusto ang lahat ng pangyayari na hayun nasa huli talaga ang pagsisisi!

-- pananaw ng tagasulat ..

''Sa isang lugar na pilit ko nang tatalikuran hayun ito't nagbabalik parin''

"Minsan sa buhay ng tao,dapat maging kuntento kung ano ang meron dahil hindi sa lahat ng panahon na ang bagay na gusto mo ay nakakabuti sa iyo"

"Kahit ito ay masakit,kahit na pwedi bagamat hindi rin naman nauuyon sa panahon ay hinding-hindi parin."

"Mas mabuti pa ang maghintay sa takdang panahon na sabihin ng POONG MAYKAPAL na handa na ang lahat"

-- SANA MAGUSTUHAN NIYO PO ITO !

SIMULA :))

^_^

Si Syoss ay isang estudyante ng isang kilalang Unibersidad na laging binabagabag hinggil sa pag-ibig,at itong kwento ang ipapamahagi ko sa aking mga tagasugid kung mambabasa kahit kunti pa pero atleast nakapagbigay man lamang ako ng puna .... :))

UNANG TAGPO :}}

SA PAARALAN -- (HIGH SCHOOL)

Magaling sa pagguhit ang lalaking hinahangaan ni Syoss si Lee.Hindi lamang sa sining ng pagguhit pati narin sa sining ng musika. Minsan nga naging magkasama sila habang sila ay kumakanta kumbaga "DUET"..Matatawag silang THEY BELONG TOGETHER..

Kayganda ng mga araw na yaon ang pinaparanas nila sa isa't-isa,minsan nga nagkakaroon na nang pagkakataon ngunit hindi parin dahil may iba-iba silang nagugustuhan.Sa pagkakataong ding ito ay wala pang namagitan sa kanila ni kahit katiting na ugnayan.They were friends period!Wala silang hangad kundi makatapos ng pag-aaral at makaraos sa pamumuhay na kahit katamtaman ay gustuhin parin ang sinasabing"good quality of life".Naging usap-usapan nga noon na nagkaroon nang nobya si Lee pero pag siya ang tatanungin magkaibigan lang daw sila bagamat may nararamdaman siya ngunit hindi pa panahon para maging sila.Hindi maiaalis sa isip ng mga mag-aaral dahil sa closure palang,parang sobra pa sa magkasintahan.Ni walang bahala nalang nila yaon hanggang sa dumating yung time na magsisitapos na sila sa hayskul kung kaya't excited ngunit may halong kalungkutan ang nadarama hindi lang sina Lee at Syoss pati narin sa mga co-graduates.

Masakit isipin na mag-iiba na ang landas nila sa isa't-isa.

Paalam High School Life !!!

IKALAWANG TAGPO ]]

PAARALAN --- (UNIBERSIDAD)

Sa kadahilanan na gusto ni Syoss makita si Lee ay nagdisesyon siya na maglipat sa paaralan na kung saan nandoon ang lalaki.Hindi naman dahil gustong makita kundi gusto niyang sukatin ang katamtaman niyang talino.

Unang naging reaksyon ni Lee ay nabigla siya sapagkat hindi niya inaasahan ang babae.

Nalaman kasi ni Lee na nagkahiwalay si Syoss at ang boyfriend nito na ang pagkababae lang ang habol.

Nakarehistro narin sa utak ni Lee kung ano pa ang dahilan kung bakit lilipat si Syoss.Naiintindihan naman niya ang babae.

Matapos ang mga pasakit na naranasan ni Syoss nun sa previous school niya dati ay pilit naman siyang nag-aadjust sa bagong paligid.

Syempre!irregular student siya kasi hindi gaanong synchronize ang mga subjects na natapos na niyang pag-aralan,in short,iba ang curriculum..kahit naman ganyan ang takbo ng pag-aaral niya ay nakakaya rin naman. Naging inspirasyon naman niya ang mga taong nagbibigay ng tiwala,at isa na doon si Lee.

Superfriends sila..yung palaging nagtetext,nagbibiruan,at marami pang mga bondings together.

Kadalasan nga nagsasabi ng I LOVE YOU sa text pero ayos lang!natural lang naman sa magkakaibigan ang ganoon na factor maliban lang pagbigyan na nang kahulugan. Bagamta wala pa naman sa kanila ang mga intentions na guguluhin ang sariling mundo para sa ganuun..hinahahayaan lang nila.

Sa hinding inaasahan pangyayari ay nahulog si Syoss,nagkaroon na nang ibang naramdaman ang babae sapagkat hindi na niya mailalarawan kung gaano na niya kailangan ang binata.

Kulang na kulang nalang ay ang palaging magkasama silang dalawa dahil bawat oras bawat minuto ay laging nasa isip na niya..lagi na niyang namimiss kahit magkahiwalay lang ng landas minsan,kahit sa text ay pareho din.

Hindi na malaman ni Syoss kung bakit ganun nalang ang nararamdaman niya sa binata.

Sa mga panahon na wala ito sa paningin ay parang hindi na kumpleto ang araw niya..namimiss niya ito sobra!

Hanggang dumating ang panahon na hindi na kaya ng dalaga ang tinatagong pagtingin ukol sa binata ay nasabi niya itong bigla na hindi man lamang inaalala ang mga susunod na pangyayari kapag malaman ni Lee ang lahat.

Naisip ng dalaga na dapat itago na lamang ang nararamdaman niya sa binata kasi mas minabuti niyang hawakan ang pagiging closeness nila.

Minabuti na lamang ni Syoss ang kanyang ginagawa kahit paman ay naguguluhan sa mga pangyayari sa kanyang buhay lalo na sa buhay pag-ibig.

Minsan nasasaktan na siya sa mga pinangagawa ng binata dahil bukod sa wala na gaanong oras ay pinapaselos pa siya nito.

Gusto na ng dalaga na sumuko nalang ngunit nagpipigil ang nararamdamn niya sa binata na kahit paman walang pinapakita na ibang emosyon ay pinapatuloy niya parin ang pagmamahal sa walang kasiguraduhan na pag-ibig.

Hanggang sa ngayon ay mabuti naman ang relasyon nila.

Mukhang sila na hindi. :(

pero..masaya naman sila sa isat-isa kahit ngayon sa kasalukuyan.

Paminsan-minsan ay may problema silang dalawa pero nakakaya naman nila.

HANGO SA TOTOONG 

ISTORYA --

"kung kayo talaga ang tinatadhana,kusang mangyayari ang mga bagay na nakalaan na"

sarcism :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FRIENDS AT ALL :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon