Mananatili pa ba sa kabila ng sakit?
Hanggang kailan pa ba ako dapat kumapit?
May pagmamahal ngunit nahaluan na ng pait
Sa umpisa'y masaya ngunit ba't ganito ang sinapitMahal kita ngunit kaysakit na
Di na kaya ngunit pinipilit na lumaban pa
Sinusubukang manatiling malakas dahil mahal kita
Ngunit bakit tila sa ating dalawa ikaw ay sumuko na?-lady_issa
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryAng isang tula, malaya man o may tugma, maikli man o mahaba ay tula pa rin na maituturing. Ito ay isang sining na karugtong ng puso ng isang manunulat. Ang librong ito ay naglalaman ng mga tulang aking isinulat. -lady_issa