That should be Me

23 14 3
                                    

Sa ngayon ay ipinagpapatuloy ko ang pag-aaral sa kursong Mass Communication gamit ang mga perang pinapadala ni daddy. Dahil rin doon ay naging open na uli ang communication namin ng kakambal kong si Bela. Madalas na kami nakakapag-bonding. Kaibahan nga lang ay palihim sa side nila Lola at dalawa ko pang kapatid.

Mula kasi noong tinanggalan ako ni Lola ng pamana ay iyon na rin ang araw na itinakwil niya ako bilang apo. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin nila ako sa pagkamatay ni Mommy. Mas gugustuhin pa nga nila kung ako ang nasagasaan at namatay.

"Okey na siguro 'to!" isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko sa harapan ng make up mirror matapos ipahid ang red lipstick sa labi.

Kasalukuyan ako nagme-make up para sa 'date' namin ng bago kong boyfriend. Patapos na sana ako mag-make up nang aksidente kong mahulog ang voice recorder sa sahig.

Nag-play iyon automatically. Nagpalipat-lipat pabalik sa previous recordings. Parang nasira na yata sa lakas ng pagkakahulog. Hanggang tumigil sa isang clip. Pinulot ko iyon at pinindot ang play button.

Nang mag-play ay ganitong voice record ang umagaw sa 'king pandinig. Ayoko na nga sanang pakinggan kaso hindi ko maalis ang atensyon ko.

"I was about to say yes but it turned to disappointment.

Yes we're not but still cries and moving

Yes, it's over, yet— heart says keep going.

On behalf of my playlist, I've started to lean.

'That should be me, making you laugh'

If I used to say yes, maybe there's a two of us."

Sakto naman nagpatugtog ng karaoke ang kapitbahay namin. Pamilyar ang kantang 'yon pero wala sa lyrics ang focus ng utak ko. Namalayan ko na lamang na biglang kumilos ang kamay ko para isa-isang i-rewind ang mga naka-record sa device. At napansin ko na lang ang mga mata na umiiyak na naman pala.

"Rebound mo lang pala ako..." ayon sa huling lyrics ng kanta.

"Wow! Thanks for giving up on me when I was completely in love with you. You're a great player!" hindi ko alam kung para saan ang pait na gumuguhit sa labi ko ngayon.

Ang akala ko kasi okey na ako, pero ang sakit pa rin pala.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon