THE PROCESS OF MOVING ON

23 13 1
                                    

Chapter Six

Alizanabelle's POV

"Bakit mo ako ginaganito, Ace?" lumalalim na ang gabi pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha sa 'king mata.

Sana pala ginalingan ko ang pakikipaglaro para hindi ako ang naging taya. Sana hindi na ako nagdalawang isip sa pagsugal. Sana hindi ko na lang in-accept ang friend request niya. Sana wala akong cellphone para hindi ko siya naka-text. Sana hindi na lang ako pumunta sa party para hindi ko siya nakilala.

Sana hindi na lang ako nakitira dito. Sana hindi ako pinagtabuyan ni Lola. Sana hindi na lang umalis si Dad. Sana hindi na lang namatay si Mom. Sana hindi ako nagrebelde. Sana nag-aral na lang ako... Kung puwede lang ibalik ang mga oras bago ito naging sana na lang...

"Kung ano-ano pa ang sinabi mong dahilan kung bakit hindi ka sumipot sa sementeryo, 'yon pala nagkabalikan na kayo ng ex-girlfriend mo. Ang girlfriend mo na kapatid ko pa," bulong ko sa voice recorder habang kayakap ang unan.

Mabuti na lamang walang tao sa kuwarto kaya nakakapag-emote ako sa mga oras na ito. Akala ko kasi hindi na ako iiyak nang ganito pero mali pala.

Ngayon ko lang na-realize kung bakit niya ako niligawan. Iyong fucking reason na nakikita niya kasi sa 'kin si Bela. The fact that from the very beginning ay rebound lang pala ako. Grabe! Sa dami ng tao sa mundo ay malay ko bang kakambal ko pala ang ex-girlfriend na binalikan ng manliligaw ko.

Aminado naman ako na minsan kong ikinahiya ang pagiging isang Luna. Galit na galit ako sa mga magulang ko. Iyong tipo na kung puwede lamang mamili ng mga magiging magulang bago pa ako nailuwal sa mundo ay ginawa ko na. Kaso napakaimposible. Pagkatapos ngayon malalaman kong kadugo ko pa pala ang magiging karibal ko sa lalakeng mahal ko.

"Isa itong napakalaking joke!"

***

Time passed by, December na naman!

In fairness, ang bilis ng panahon. Isang taon na rin pala ang nakalipas mula noong huli akong kiligin. Sobra ba ako naging busy sa pagmu-move on, kaya pati occasions limot ko na? Ay, teka, bakit nga pala ako nagmu-move on? Eh, hindi naman naging kami. Oh well, I'm proud to say that I'm totally over him.

He's just Ace. There's nothing new.

And going back to the old Alizanabelle, apat na lalake lang naman ang mga sumunod na naging boyfriend ko. Sa apat na 'yon ay wala akong sineryoso. Lahat sila ay ginawa ko lamang pampalipas oras.

Ang saya, 'di ba?

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon