PRE-WEDDING

22 12 2
                                    

Chapter Seven

"You're going to be the most beautiful bride, Alizanabelle!" wari'y inangat ni Bela ang nakayuko kong baba saka ako inakay papunta sa harapan nang malaking salamin.

Narito kami ngayon sa Muslim Boutique na pagmamay-ari ng pamilya ni Badr-al-Din kung saan hindi na halos mabilang ang mga wedding gown na nasukat ko. Ang ideal design ko kasi ay 'yong nakalabas ang cleavage, 'yong bakat ang 36, 26, 36 vital statistics ko, 'yong ang lakas makalaglag ng brief! Pero kabaliktaran ng mga iyon ang nakikita ko ngayon dahil halos ma-shock na lamang ako pagkakita sa 'king repleksyon habang suot ang Hijab Traje De Boda.

Why do I look so conservative in this gown?

Hindi ako makapaniwala na puwede pala ako magmukhang maamong birhen kapag nasuotan ng Hijab. Ang akala ko kasi porque mahal na mahal ako ni Badr-al-Din ay puwede na rin ako magkaroon ng 'say' sa motif ng kasal namin, pero obvious naman na 'in favor' sa religion nila ang nagiging flow nito.

"It's gonna be the best wedding of the year!" deklara pa ng Muslim na fashion designer.

"Sana nga," napabuntong-hininga na lamang ako saka ibinalik ang tingin sa salamin. "At sana rin, ako ang maging pinakamasayang bride."

"Siyempre naman pasasayahin ka ni Badr-al-Din!" hirit ni Bela. "Ikaw ba naman ang hintayin ng five years, 'di ba?"

"Sana nga."

Sa ngayon ay patuloy na lumalago ang Hoshizora Incoporation sa pamamahala ni Bela. Kahit paano ay panatag ang loob ko dahil hindi napunta sa wala ang pagiging pambayad utang ko sa pamilya ni Badr-al-Din.

***

Pagkagaling sa botique ay dumiretso kami ni Bela sa pinakamalapit na restaurant para mag-dinner.

Habang hinihintay ang order ay bigla naman dumating si Ace. Hinalikan niya sa labi ang kapatid ko saka inabot ang dalang bouquet of red roses. Samantalang inabala ko na naman ang sarili sa pagla-laptop para hapitin ang ine-edit na screenplay.

Narinig kong pinag-uusapan nila ang tungkol kay Charles Castillo. Ito 'yong pangalawang kapatid ni Ace na ngayon ay sikat nang artista at kasalukuyang pinagbibidahan ang isa sa mga ginawa kong libro na in-adopt sa big screen. Kamakailan lang rin nang matapos namin i-shoot ang independent film kasama ito.

"Sabi ni Direk, tuloy na raw 'yong pagsali natin sa Cannes Film Festival," pagbabalita sa 'kin ni Ace. "Kagabi nila pinasa 'yong entry."

He's wearing a grey polo shirt and fitted pants together with his bonnet and fancy reading glasses. Katrabaho ko siya sa production kung saan siya ang Film Editor.

Kaagad kong binawi ang tingin sa kan'ya saka itinuon ang tingin sa dumating na orders. "Anong film naman kaya ang pinasa nila?"

"Iyong kay Charles yata."

"Wow! Pang-Cannes na pala ang level ng future brother-in-law ko!" giit naman ni Bela.

I wonder why hindi ako na-inform sa pagsali na 'yan? Wala man lamang pagmi-meeting na naganap?

"Teka, pumapayat ka yata, Aliz?" puna ni Ace habang pinag-i-slice ng beef steak si Bela sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Of course, Love! Siya dapat ang maging pinakamaganda't pinaka-sexy pagdating sa araw ng kasal niya!"

"Napakasuwerte naman ng mapapangasawa mo. Panigurado, hindi ka na no'n pakakawalan!" opinyon ni Ace.

"Eh kayo, kailan n'yo ba plano magpakasal?" sabat naman ni ate Elsa na kadarating lamang.

Tinext ko kasi ito na pumunta para hindi ako magmukhang third wheel sa dalawa.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon