Chapter 11- Post

390 19 1
                                    

Tine's Pov

Pinapasok ko nalang sya sa condo at umupo na ulit ako sa studytable ko, nagulat ako n bigla nya'kong akbayan.

"San ka nahihirapan?" Tanong nya.

"Eto, di ko maintindihan to. Ipakita m sa'kin na worth it kang papasukin dito sa condo ko" masungit na sabi ko sa kanya.

"Sus, ang dali lang naman nyan" sabi nya at kumuha ng isang upuan mula sa dinning table para tabihan ako.

"Ganto lang yan oh" pag eexplain nya sa mga gagawin.

Makalipas ang ilang minuto...

"San galing yung 1?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

"Di mo parin naiintindihan noh?" Sabi nya.

"Malamang, magtatanong ba'ko kung naintindihan ko yan?" Sabi ko.

Inexplain nya na naman ulit, pero bigla akong dinalaw ng antok at nakatulog ako habang nag eexplain sya sa mga dapat gawin.

Sarawat's Pov

"Ganto, yung 1 is galing sa 12 na-"

Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang bumagsak ulo nya sa libro.

Nakatulog ata, pagtripan ko nga.

Pinadaan ko muna yung ilang minuto para masigurado kong tulog na talaga sya, pagkalipas ng mga 5 mins, kinalabit ko sya pero di na sya gumalaw.

Tulog na nga.

Naghanap ako ng marker sa mesa nya, may nahanap naman ako. Kinuha ko yung left hand nya, nilagyan ko ng word na

"Expe"

Pagkatapos nun ay kinuha ko phone ko at pinicturan ko yung parte kung san may naka lagay na "Expe".

I posted it on Instagram, with a caption.

"💸"

Ang swerte nya masyado, kamay nya yung unang pinost ko sa account ko.

Kumuha nalang ako ng papel sa isa sa mga scratch papers nya at sinulat ko dun yung mga solutions na gagawin.

Sinemplehan ko lang para maintindihan nya talaga. Pagkatapos kong mag sulat ay inipit ko ito sa kamay nya, hindi ko nalang sya ginising kasi ayokong maistorbo tulog nya.

Isinauli ko yung upuan, at umakyat na ako pabalik sa veranda kung saan ako dumaan kanina. Ayoko dumaan sa frontdoor kasi alam kong di ko malolock yun, at baka mapasok yung condo unit nya ng ibang tao.

Nung nakatawid na'ko sa kabilang veranda ay nagpaalam na'ko sa kaibigan ko na babalik narin ako sa condo unit ko para magpahinga na.

The next day

Tine's Pov

Nagising akong nakaupo sa study table ko, shit nakatulig ba'ko dito kagabi? Bat di ako sa kama ko natulog?

Naalala kong nandito si Sarawat kahapon at nakatulog ako habang ineexplain nya yung mga solutions na dapat gawin.

Nakita kong may papel syang inipit sa kamay ko, kaya kinuha ko yung at binasa. It's just the solutions na dapat ko daw gawin para makuha ko yung answers.

Habang binabasa ko yung papel na inipit nya ay may napansin akobg kakaiba sa kaliwang kamay ko.

May nakasulat na word.

"Expe"

"Anong ibig sabihin ng "Expe" nato?" Tanong ko sa sarili ko.

Habang nag iisip ay chineck ko muna phone ko, at dumiretso ako ng instagram.

Agad na bumungad sa'kin yung post ni Sarawat. Kamay na may salitang "Expe" yung pinost nya, tinignan ko kamay ko and it's the same sa kamay na pinost nya.

It has a caption "💸" perang lumilipad? Ano ba iniisip ni Sarawat at pinagtripan nyako kagabi?

At nakakahiya kasi ang dumi pa nung kamay ko sa picture na yun, puno ng marks ng marker. Shet ang dami pa naman hearts, jusko.

"Sarawat humanda ka sa'kin Mamayaaaa!"

:)

@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon