I'm not your typical slave

19 14 2
                                    

Bela's POV

"Let the war begin, Alizanabelle," I declared in front of my laptop.

I am an expert in terms of system hacking, that's why nobody can beat me when it comes to viruses. Hoshizora Incorporation should be thankful for having a CEO like me.

Yes, Ace and I were both I. T graduate and we have a lot of common interests, but it's sad to think that he chooses to focus on film editing instead of accepting my job offer as a Senior Software Developer.

Sayang, puwede ko pa naman sana siya i-promote on a higher position.

After four years of staying in Japan, my daddy is finally going home today! Aminado naman ako na excited rin ako makita si Daddy at ang pamangkin ko pero sa tuwing maiisip ko na kasama nila sa pag-uwi ang step-mother namin ay hindi ko mapigilan ang magngitngit sa galit.

Labag sa loob kong ipinagpaalam kay Lola ang Function Hall ng Hoshizora Incorporation upang doon ganapin ang Welcome Party para kay Daddy mamaya. Planado na ang lahat at pag-uwi na lamang nila ang hinihintay.

Gumayak na ako para umalis pero pagbaba ko sa hagdanan ay nadatnan kong nakaupo sa sofa si tita Miranda habang nagbabasa ng Japanese book. Nakakagulat ang paggising niya nang maaga dahil madalas ay tanghali na siya gumising. Lalagpasan ko na sana ang kinauupuan niya nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko.

"Yes, Tita?" tanong ko pagkalapit sa kan'ya.

"Kōhī o tsukutte"

"What?"

"'Make me a coffee'. Simpleng Japanese lang napakahirap umintindi!"

"I see. Iyon lang po ba?"

"Paghain mo na rin ako ng pancake. Then, paki-ready ang jacuzzi maliligo ako later."

"Tita, male-late na ako sa appointment ko. Puwede iutos mo na lang 'yan sa katulong?"

Kahit sa bahay o opisina ay trip na trip n'ya talaga akong utusan at pahirapan. Palibhasa kapatid siya ni Mommy at mas mataas ang posisyon sa kompanya kaya feeling superior siya kung um-attitude. Sa huli'y wala rin nagawa ang pangangatuwiran ko dahil ipinagpilitan lamang niya ang utos.

"Miss Bela, itim na itim ka. Saan po ang lamay?" puna ng katulong sa suot kong black off-shoulder on top and ripped jeans, pagkarating ko sa kusina.

"Susunduin ko si Daddy sa airport, kasama si Alizanabelle."

"Totoo ba?" gulat na reaksyon ng isa. "Akala namin may namatay."

"Mabuti naman magkasundo na kayong magkapatid. Masaya ako kasi ikakasal na siya."

"In other words, makakapagbayad na rin siya," bulong ko habang inihahanda ang pancake.

"Ate, ako na lang ang gagawa niyan, baka madumihan ka pa," saad naman ng kapatid kong si Ysa mula sa dishwashing area na nakasuot ng apron and gloves.

"Kaya ko na 'to. Mabuti pa maligo ka na muna. Napakadungis mo na, oy!"

"Sus! Damit lang ang marumi sa 'kin hindi ang pagkatao ko," ismid nito. "Ay, Ate, invited ba kami sa Welcome Party mamaya?"

"Siyempre naman!"

"M-may gig kasi kami ng barkada mamaya, susunod na lang ako kapag maaga natapos."

"Oy! Ysa, high school ka pa lang, pa-gig-gig ka nang nalalaman d'yan!" umakto ako para batukan ito. "Mabuti pa, ayusin mo na ang jacuzzi. Maliligo raw si Madam President!" utos ko rito bago lumabas ng kusina dala ang tray na may lamang almusal.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon