CHAPTER 7

24.5K 1K 65
                                    

Chapter 7: Sermon

Rue



“HINDI nga ako nagkamaling uuwi ka ng ganyan, Threze Rue!” Napapikit ako sa sigaw ni dad at napayuko.

Here they goes again. If lolo and lola was here, hindi ako nila gaganituhin.

Nakatayo si dad ngayon sa harap ko at ako itong ginagamot ni mom  dahil sa putok kong labi sa living room. Napanguso ako ng tawagin niya si kuya.

“Troze Eziel Gonza!” May diing tawag nito sa kuya kong umiiinom ng tubig sa kitchen. Muntik niya nang mabuga lahat ng nasa bibig niya nang marinig na tinawag siya ni dad sa buong pangalan.

Kita-kita mula rito ang sama ng tingin nito sa 'kin kaya inirapan ko lang.

Sana nabilaukan ka na lang!

“Dad?” anito at dali-daling lumapit sa amin.

“I've clearly said that you should look for your sister! Ano na naman ba itong kalokohan niyang ginawa at ganiyan iyang mukha niya?” Dad massage his temple, trying to contain his anger. Kaharap niya ngayon si kuya at siniringan ako nito ng tingin.

“Binabantayan ko naman po 'yan, dad,” agad na sagot ni Kuya Eziel. Naningkit ang mata ko sa sagot niyang iyon. Magsasalita pa sana ako ngunit pinalakihan na ako ng mata ni kuya. Napairap na lang ulit ako.

Sinungaling 'tong kapatid kong 'to!

“Then why did this happened?” Napabuntong hininga si dad at tiningnan ako, sinuri mula ulo hanggang paa. Napayuko na lang ulit ako at napakutkot sa sariling kuko.

“Dad, Rue and I are not together all the time. Iba ang section niya sa section ko. . . and besides malaki na 'yan, kaya niya ang sarili niya dad,” Kuya Eziel explained.

“Kaya? Eziel are you out of your mind?  Babae pa rin 'yang kapatid mo! Tingnan mo ang mukha niyan. That's what you call she can take care of herself?” hindi makapaniwalang sermon ni dad.

Napayuko si Kuya Eziel at pasimpleng sinamaan ako ng tingin. I managed to hide my smile dahil pati siya ngayon ay pinagalitan na rin. 'Buti nga.

“Then, I'll transfer Rue in your section!” Agad na nanlaki ang mata ni Kuya Eziel sa narinig.

Nakaka-shock ba 'yon? O.A niya talaga kahit kailan.

“But. . . dad, Rue seems happy in her section, right, Rue?” baling nito sa 'kin at pinanlakihan ako ng mata.

Happy? Saan niya nakuha ang salitang 'yon? Sa outer space? Hindi rin siya sinungaling, e, marunong din mang-imbento. Kuya ko ba talaga siya?

“Ang sabihin mo aya—” hindi ko natapos ang sasabihin dahil tinakpan niya ang bibig ko gamit ang palad niyang mabantot.

D*mn it! Bakit ambaho nito?

Pinilit kong kinuha 'yon pero ayaw niya at mas hinigpitan pa. Papatayin ba niya ako? Ang baho!

“Rue, are you happy with your new school and. . . section?” tanong ni dad.

How can I answer his question kung tinatakpan ng tukmol na 'to ang bibig ko. Pinanlakihan ako ni Kuya Eziel ng mata at unti-unting binitiwan ang bibig ko. Kakagatin ko pa sana kaso naisip ko na ang baho pala ng palad niya. Yuck!

“Yes dad. . .” gustong-gusto ko.  'Yong ang sarap ng mangbalibag. Ganoon ako kasaya. Sa sobrang saya ko sa first day of school nanapak ako ng kaklase.

Ginawa kong magiliw ang tono ko  dahil kung hindi ay baka mas diinan pa ng bwisit kong Kuya ang pagkakakurot sa tagiliran ko. Isang maling sagot lang talaga ay matutuklap ang balat ko sa likod!

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon