Dumiretso ako sa kinaroroonan ni tita Miranda. Sa kasamaang palad ay aksidente akong natalisod gawa nang nakakalat na marbles at mabilis na bumuhos kay tita ang mainit na kape at ang cream sa pancakes.
"Napakatanga mo!" nanggagalaiting sigaw ni tita Miranda saka ako pinatamaan nang malakas na sampal sa kaliwang bahagi ng pisngi. "Mag-aabot ka na lang ng kape, tatanga-tanga ka pa!" bulyaw nito at biglang hinablot ang braso ko. Hinigit ako papalapit sa mukha niya. "Kahit kailan, wala talaga kayo magandang naidulot sa mga Hoshizora! Sampu sa angkan ng walang-hiya mong ama ang nagdala ng malas sa buhay namin!"
"Tita, please nasasaktan po ako."
"Wala ka karapatang magreklamo dahil mas masakit pa d'yan ang impiyernong dinanas ng kaawaawa kong kapatid sa puder niyang tatay mo!"
"Tita, p-please."
"TITA! BITAWAN MO ANG ATE!" sigaw ng kapatid kong si Ariel galing garden. May bahid ng putik ang puting sando niya.
Nang makalapit si Ariel ay pinilit niyang pumagitna sa 'min ni Tita subalit isang malakas na sampal lamang ang natamo niya hanggang sa magkatulakan sila.
Masyado naging mabilis ang mga pangyayari... Basta na lamang tumama ang noo ni Ariel sa edge ng center table saka bumagsak sa sahig na puro marbles.
"ARIEL!"
Wala ako makita ni anomang dugo kaya nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Tita Miranda sa braso ko ay buong lakas ko na itong tinulak para malapitan ang walang malay na kapatid.
"Ariel, gising! Ariel!"
"Ate Bela, a-anong nangyari?" saad naman ni Ysa pagkalabas sa kusina.
"Ysa, tawagin mo ang driver! Ang maid! Ang ambulansya! Ang sasakyan! Ysa, tulungan mo 'ko!"
"Bakit kayo nagkakagulo?" usal naman ni Lola mula sa dinudungawang veranda. "Diyos ko!"
Nagsilabasan ang lahat ng tao mula sa bawat sulok ng mansion. Nataranta ako at hindi ko halos malaman ang gagawin.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...