Chapter 14

9.2K 319 29
                                    

ILANG MINUTO PA ang lumipas, nakasimangot na bumalik si Elvin.

"M-may problema ba?" nagtatakang tanong ni Shanelle.

"Yeah." Bumuntong-hininga ang binata kapagkuwan ay tumingin sa kawalan. "Nagkaproblema ang kumpanya ko. Ang tanga ko pala, Lane. May kumpanya ako na kailangan ko pa lang i-manage." Mapakla itong tumawa. "And in the end, kailangan kong pumunta sa Manila." Tumingin ito sa kaniya na may ngiti sa labi.

"Ano bang problema sa kumpanya mo?" tanong niya.

"Nanakawan kami ng dalawang sasakyan. And yeah, we need to investigate this kaya kailangan kong pumunta sa Manila, as in now!"

Ito na yata ang panahon para makatakas siya rito. Ito na yata iyong sign para makaalis siya sa kinalalagyan niya. Kapag nakaalis ang binata, gagawa siya ng aksyon para makalabas sa islang kinaroroonan niya.

"But first, I'll tour you. Hindi pa tayo tapos, Lane. Ikaw kasi, you requested me to tell everything that's why our so-called tour ended up like this na sana'y tapos na." Umiling-iling ito habang may ngiti sa mga labi. "Let's go? Puntahan natin ang alaga kong buwaya."

Tumango lang siya at hinayaang hawakan siya ng binata saka sila marahang tumayo. Hindi mapigilan ni Shanelle ang mapangiti habang nakatingin sa maamong mukha ng binata. Mas guwapo talaga ito kapag nakangiti—mas guwapo ito kapag nakaguhit sa mukha nito ang saya. Ngayon lang niya talaga napagtanto na ganito kaguwapo ang binata. Oo, noong una silang magkita, talagang guwapo na ito, tapos noong sunod nilang pagkikita, mas lalo itong gumuwapo, noong nangyari isang araw ang makalipas, iyong tiningnan niya ito nang malapitan, halos mahulog ang mga mata niya, at ito, na may ngiti sa mga labi, pakiramdam niya'y nahulog ang panty niya.

"You know, ayaw ko rin ng buwaya," ani Elvin habang naglalakad sila sa masukal na lugar. "Pero minahal ko rin iyon dahil nitong mga nakaraang taon, palagi ko siyang kasama," dagdag pa nito na ikinatango niya.

Hindi siya sumagot bagkus ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang hawak-hawak ni Elvin ang kamay niya. Wala silang imik na dalawa ng mga oras na iyon kapagkuwan ay nakarating sila sa isang maliit na lawa. Mula sa kalayuan, may isang hindi naman kalakihang buwaya, pinapakain iyon ng isang matanda—ang matandang nagturo sa kaniya ng daan na trinaydor din naman siya. Si Konor.

"Mang Konor!" sigaw ni Elvin.

Kaagad na nag-angat ng tingin ang matanda. Ngumiti ito at kumaway pa. "Sir. Elvin!" tawag nito.

Naiiling na lang ang binata na iginaya siya patungo sa matanda. Wala na siyang nagawa ng mga oras na iyon kundi ang hayaan ang binata na hilahin siya hanggang sa makarating sila sa posisyon ng matanda na patuloy pa rin sa pagpapakain ng buwaya. Hinahagis nito ang mga karne na kaagad namang sinasalo ng malaking bibig ng buwaya na kaniyang ikinatakot.

"Mang Konor, natanggap mo na ba iyong pinabigay ko kay Jeffrey sa iyo?" mayamaya pa'y tanong ni Elvin habang abala sa panonood ng ginagawa ng matanda at patuloy pa rin ito sa paghawak ng kamay niya.

Para naman kaya niyang tumakas. Palihim niyang inarko ang mga kilay dahil sa inis.

Tumigil ang matanda saka nakangiting tumingin kay Elvin. "Natanggap ko na, Sir. Elvin. Maraming salamat pala roon," sagot nito saka nagpatuloy sa ginagawa.

"Don't mention it. Isa ka sa nangangalaga ng islang ito kaya malaki ang tiwala ko sa iyo. Kulang pa lahat ng ibinibigay ko. Hayaan mo, sa susunod na buwan ay titriplehin ko ang suweldo mo," ani Elvin na ikinatingin niya rito.

Ganito ba ito kabait sa mga nagtatrabaho sa kaniya? Pansin niya lang kasi, nasobrahan na yata ito sa kabaitan kaysa sa mga kasamaang ginawa niya. Gusto niyang tanungin ito kung magkano ang ibinibigay niyang suweldo sa matanda pero talagang wala siyang lakas ibuka ang bibig.

Sold Her Virginity (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon