Matagal ko nang crush si Olland Marciano...
Pero dahil sa sikat siya, at simpleng babae lang ako, mas minabuti ko nang hindi sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Wala namang mangyayari eh. Baka kasi pagtawanan niya lang ako at iwasan.
Kaya ito ako, hanggang titig na lang sa kanya.
"Hoy Jane! Tunaw na si Olland!" sabi sa'kin ni Trixie.
"Shhh! Tumahimik ka nga diyan! Upakan kita eh!" sagot ko.
"Psst! Olland, tingnan mo si Jane, titig na titig sa'yo," sabi ng kaibigan ni Olland.
Biglang tumingin sa'kin si Olland. Tapos ngumiti. ^__^ At biglang umalis din ng tingin. Oh My Gosh! Tinignan niya ako!!! Yipeee! (^o^)
Ako nga pala si Jane Patrice Lozada. 17 years old. College student. Mahaba ang buhok, maputi, at normal ang katawan. Ako rin ay isang simpleng babae lamang at walang arte.
-
*Cafeteria*
Iniiwasan ko talagang tumitig sa kanya, pero parang hindi ko magawa.
Bigla na lang may tumabi sa kanyang babae at mukhang hinaharot siya. Flirt ~,~
Pero wala naman akong panama sa kanya. May itsura siya, simple lang ako.
Anong gagawin ko?
Tapos biglang umalis si Olland kasama ang tropa niya. Iniwanan nilang mag-isa yung maharot na girl. Haha! Buti nga sa kanya. ^__^V
*Kinabukasan*
Pagkabukas ko ng locker ko, ang dami na namang letters. "Love letters".
Pero walang pangalan. Araw-araw na lang ganito. Sino naman kaya siya? Kumuha ako ng isang letter at binasa ko:
Dear Jane,
Everyday you make me smile...
I want to be with you even just for a while.
And I just can't. But there's one thing that keeps on urging me...