Maingay ang mga sanga at tuyong mga dahon na aming inaapakan kasama si Kiko na isang "aspin" patungo sa lugar kung saan kami ay maaaring makapagpahinga.
Sean: "Medyo mahaba na ang nalalakad natin Kiko... pero kailangan pa nating tahakin ang gubat upang makahanap din tayo ng makakain at maiinom. Wala na rin kasing laman ang plastic bag na dala natin at ang bote ng tubig naman ay halos gapatak na lamang ng tubig ang natitira. ...siguro sa bandang gitna ng gubat ay makakakita tayo ng bukal pwede na nating pagtiyagaan para maibsan lang ang uhaw natin.
.... patulong na naglakad ang dalawa sa madilim at masukal na kakahuyan upang maghanap ng maiinom.
...lumipas ang halos tatlong oras ay may narinig silang pag-agos ng tubig at pinakinggan ito ni Sean upang malaman kung saan nangagaling. Ilang hakbang pa ay napadpad sila sa isang lugar na may dumadaloy na tubig at ito ay isang maliit na sapa.
Sean: "Sakto may tubig Kiko... teka sasalinan ko ang bote natin at makainum na din ikaw din uminom huh."
...habang umiinom sila ay napansin niyang may gumagalaw sa tubig at laking gulat niya na ang sapa ay may mga nabubuhay na isda.
"Nice, may isda maaari nating hulihin at kainin ito Kiko sakto dito na din tayo sa tabi ng sapa magpahinga. hahanap lang ako ng kahoy na maipapanggatong para makagawa tayo ng apoy upang hindi tayo ginawin at patpat at lubid na maaari kong ipang huli ng isda."
...Hindi naging mahirap para kay Sean ang paghuli ng isda dahil dati siyang Scout Ranger at sanay na sanay ito sa buhay sa gubat at survival techniques... lumipas ang ilang minuto ay nakapaglatag na din sila ng mahihigaan at nakahuli ng isdang maluluto pagkatapos kumain ay nagpahinga na ang dalawa...
Sean: Kiko siguro naman nabusog ka na at hindi ka na magrereklamo sa akin... ako man ay sobrang nabusog at masasabi kong maganda at malalaki ang mga isdang nahuli natin. ung natira ay maaari nating kainin bukas bago tayo magpatuloy sa paglalakad."
Kinabukasan... maagang nagising si Sean at nagligpit ng kanilang pinaghigaan pagkatapos nito ay sandaling kumain at nagpahinga at nagpatuloy sa kanilang paglalakbay.
Tahimik na ang kakahuyan at tanging mga yabag nila ang maririnig at ang huni ng mga hayop sa kakahuyan. Si Kiko naman ay patuloy lang sa pag amoy at paminsan minsan ay tumatahol kapag may nakikitang ibang hayop gaya ng ahas, mga unggoy at ibon.
Sa hindi kalayuan ay may naaninag si Sean na paggalaw ng mga sanga ng halaman at tubog na tila binabaling sanga ng puno at kasabay nito ay siya namang pagtahol ni Kiko sa lugar na pareho nilang tinatanaw.
Sean: Kiko, napansin mo din ba iyon.... mag gumagalaw sa bandang dulo ng daan na ito.. ano kaya iyon..
Dahan dahan binabagtas ni Sean ang daan at pinatatahimik si Kiko upang kung anuman ang nasa lugar na iyon ay hndi nila mabulahaw.
Sean: ssssshhhhh, Kiko 'wag ka maingay...
Dumapot si Sean ng isang katamtamang laki ng sanga ng puno upang gamitin pamalo para sa kaniyang proteksyon. habang papalapit ng papalapit sila sa lugar ay bigla itong nagulat sa kanyang nakita.
Sean: NAKU PO.....ANO ITO!!!!
Si Kiko naman ay galit na galit at aktong susugod sa halamanan
Sean: Kiko, TAKBO.....TAKBO NA!!!!
Isa palang wildcat na kinakagat ng mga putakte ang kanilang nakita. Pumapalag ang wildcat dahil sa dami ng kumakagat sa kaniya at ang dalawa naman ay hinabol din ng ilang putakte kung kaya hindi rin napigilan ni Sean ang tangayin si Kiko papalayo at nang makarating sila sa lugar kung saan sila nagpahinga ay dinampot niya ang kahoy na may baga at usok para itaboy ang mga putakte.
BINABASA MO ANG
The Messenger
Mystery / ThrillerIsang emisaryo mula sa malayong lugar ang napadpad sa isang bayan na puno ng misteryo at kababalaghan.