Chapter 2

43 0 0
                                    

DIANA's POV

Baby nal teojil geotcheoreom anajwo
Geuman saenggakhae mwoga geuri eoryeowo
Geojitmalcheoreom kiss haejwo naega neoege
Majimak sarangin geotcheoreom

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto.

"Aigoo !" Napapakamot sa ulo bumalik ako sa pagkakahiga at nagtakip ng unan sa ulo. Yung magaling ko misis kasi nagcoconcert nanaman sa sala. Halos sumabog nanaman ang buong unit namin. Hindi naman sa hindi maganda ang boses nya pero....... pero parang ganon na nga. Ang sakit kasi sa tenga eh. Inaantok pa man din ako dahil late na ako nakauwi kagabi gawa ng TV guesting kagabi na late na natapos.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng makauwi kami galing bakasyon. Kaya balik trabaho na ulit. Weekend ngayon kaya wala sya pasok. Ako naman mamaya pa yung call time ko para sa rehearsal.

Majimakcheoreom ma-ma-majimakcheoreom
Majimak bamin geotcheoreom love
Majimakcheoreom ma-ma-majimakcheoreom
Naeil ttawin eopsneun geotcheoreom

Ayan na nakapasok na sya sa kwarto. Pabagsak sya nahiga sa kama at saka tumabi saakin. Ngunit nagkunwari ako tulog.

"Hon gising na. "Saad nito saka ako niyakap.

"Hon, maaga pa. Inaantok pa ako eh. "Reklamo ko naman.

"Eh, tanghali na kaya. Hindi ba may rehearsal ka ngayon. ?"- Aira.

Tinanggal ko ang unan na nakatakip sa ulo ko at tinignan ko sya.

"Mamaya pa yun." Inaantok ko pa sagot.

"Hmm. Pero tanghali na nga, 9 a.m na kailangan mo ng mag almusal. Mamaya ka nalang matulog ulit. Lika na, bangon na. " nauna sya bumangon pero hindi ako bumangon. Sadyang inaantok pa ako.

"Ayaw" Iiling iling ko pagprotesta.

"Ay ! Wag na makulit ! Tayo na. !"nakapamewang na nito sabi. Tuluyan na nga ito nakatayo sa may gilid ng kama ko. Hindi ko naman maiwasan wag mapangiti. Mukhang nauubusan nanaman sya ng pasensya.

"Halika muna dito saglit. "Inabot ko sakanya ang kamay ko. Bumuntong hininga muna ito bago inabot ang kamay ko. Pagkatapos mabilis ko sya hinatak pahiga muli saka ko sya kinulong sa mga bisig ko.

"Hays, dadaanin mo nanaman ako sa paganito mo. "- sabi nya na ikinangiti ko nalang.

"Manatili muna tayo ganito. Sarap sa feeling na yakap kita eh. "- Diana.

Saglit na umangat naman ito sa pagkakayakap saakin at tiningala ako pagkatapos ngumiti. Kaya napangiti na rin ako. Pagkatapos kiniss nya ako ng smack sa lips kaya mas lalo lumapad ang ngiti ko sa labi. Sympre hindi ako magpapatalo, kiniss ko din sya... ng mas matagal. 😂 Nagsimula na din maglikot ang mga kamay ko sa sexy nya katawan ng hindi naghihiwalay ang mga labi namin.

"Wait. " Pigil nya saakin kaya napahinto ako sa ginagawa ko.

"What. ?" Takang tanong ko rito.

"Masyado pa maaga. Saka..... "nilapit nya yung mukha nya sa tenga ko at bumulong. Nanlumo nalang ako pagkatapos ko marinig yung sinabi nya. Gusto nyo malaman kung ano. ? Sympre secret. 😂

Napasimangot nalang ako, then she giggled. Mukhang tuwang tuwa nga sya binitin nya ako. Hahaha. Ssshhhh. Wag kayo maingay. Bawal sa bata.

"Sige okay lang. Next time nalang. "Nakangiti ko ng sabi saka ko sya niyakap. Yakap nalang muna. Sabi kasi ng author hindi pwedi eh. Lintik naman na author ito, napaka KJ. Palitan nyo nga to. Book 2 na to, mag asawa na din kami lahat lahat wala pa rin kami love scene 😭😂 Bawal daw sa bata, eh mas  mahahalay pa nga mag isip sakanya ang mga readers nya. Hahaha.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon