Chapter 3

18 1 0
                                    

DIANA's POV

Bumalik ako ng editing room pagkatapos ipatawag ni Che sa president office at dito ko sya matyaga inantay. Nasa labas naman sina Manager Seo at Manager Yoon nag aantay din. Nakailang palakad lakad na din ako dito sa loob. Hindi rin ako mapalagay, baka kasi kung ano na ang nangyari doon kay Che.

Bumukas ang pinto kaya mabilis ako napatingin doon. I'm expecting na si Che iyon pero si Niks ang pumasok.

"Oh ! Bakit parang gulat na gulat ka ng pumasok ako. ? "Sabi nito saka naglakad palapit saakin.

"Akala ko kasi si Che. "- Diana.

"Bakit, nasaan nga ba si Che. ?"- Nikki.

Napakamot muna ako sa ulo saka naupo sa sofa at sumunod naman sya.

"Pinatawag sya ni President eh. "- Diana.

"Ha. ?!" Gulat na naibulalas nito at napaangat pa sa pagkakasandal sa sofa.

"Bakit. ??"- Nikki.

"Hindi ko alam. "Kibit balikat ko naman sagot.

"Hala ! Baka may nagawang kasalanan si Che. !"-Nikki.

"Hmm. Tingin ko naman wala. Kasi kung may issue tungkol sakanya malamang unang kumalat na yun sa social media. Pero tahimik pa naman. "- Diana.

Nagcheck din kasi ako kanina sa social media kung may kumakalat nga issue pero wala naman ako nakita. Nakakapagtaka lang bakit sya pinatawag sa itaas

"Kung sabagay. Pero bakit naman sya pinatawag ng president. ? "- Nikki.

"Yun din ang iniisip ko ngayon. Si Che nalang ang makakasagot non pagbalik nya. Antayin nalang natin. "- Diana.

Tumango naman ito bilang sagot.

"Ay teka, saan ka nga ba nanggaling. ? Bakit bigla ka nalang nawala. ? Pareho lang kayo ni Riri. Ano ? Nakipagkita ka nanaman ba kay Yohan. ?" Sunod sunod na tanong ko rito.

"Sira ! Hindi. Bumili lang ako ng gamot kasi ang kati ng lalamunan ko. Feeling ko magkaka ubo ako. Ito oh. !" Pinakita nya naman saakin ang paper bag na galing mercury drug.

"Oo na. Convince na ako. Bakit kasi hindi nagsasabi eh. "- Diana.

"Saglit lang naman kasi ako. Saka sabay kami ni Riri lumabas kanina. Makikipagkita  daw yun kay Aira "- Nikki.

"Bakit daw. ?"- Diana.

"Ewan, wala naman sinabi eh. Dapat tinatanong mo yan sa Jowa mo. Di ka ba nya nainform ?"- Nikki.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Ay kawawa ka naman. Baka naman pinagpalit ka na kay Riri. Hala ka ! Baka nagdidate na sila ng palihim. "- Nikki.

Tinignan ko nga ito ng masama, tumawa naman ang hinayupak.

"Hahaha. Bothered ka. ?"- Nikki.

"G*g* ! Hindi ! Tss !" Inis na sagot ko naman saka ko sya inirapan. Pero bigla nga ako nabothered. Lately kasi sobrang close na nila ni Riri. Tapos lumalabas na sila ngayon ng hindi ko alam. May tinatago ba sya saakin. ?

"Aist !" Inis na napasandal nalang ako sa sofa.

"Tignan mo, bothered ka nga. Hahaha. " - Nikki.

"Tumahimik ka nga ! "Singhal ko rito. Hindi nakakatulong eh.

Tumawa naman ito pagkatapos sumandal sa sofa at inakbayan ako.

"Don't take it seriously. Nagbibiro lang naman ako. Hindi aagawin ni Riri si Aira sayo. Alam mo naman na straight yung ate mo yun. Baka may pinag usapan lang sila na hindi ka na kailangan isali. Haha "Sabi nito pagkatapos tinap ang ulo ko.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon