CHAPTER 13
NIKKI's POV
Lumabas kami ng bahay ni Celine pagkatapos ng confession ni Riri. Nagulat ako ng ianunsyo nya ang pagkakaroon nya ng ugnayan kay Sanya. Hindi naman sa against ako sa relasyon nila, nag aalala lang ako sakanya.
"Riri, alam mo ba yan pinapasok mo. ? Ha ?" Agad na tanong ko rito ng makalabas kami.
"Nikki Unni, alam ko nabigla ka pero wag mo naman ako pigilan sa gusto ko. I know what I'm doing and I love Sanya. Hindi lang naman ako ang naunang nakipag relasyon sa kapwa ko babae sa grupo natin diba ? . How about Diana ? Siguro naman hindi yun big deal. Right ?"- Riri
"Wag mo ipareho ang sitwasyon mo sa sitwasyon ni Diana. Diana can handle herself--"
"Sa tingin mo ako hindi. ? "Pagputol nya sa sasabihin ko sa may seryuso tono na ikinatigil ko naman saglit.
"Bakit ? Anong pinagkaiba namin ni Diana ? Ano yun may pinapaburan ka saamin. ? Kasi alam mo, lahat ng gustuhin ni Diana at lahat ng bawal nagagawa nya. How about me. ? Ngayon lang ako sumuway ng rules and you're doing it too. Nakikipag date ka naman secretly diba. ? So dapat naiintindihan mo ako. !" - Riri.
"That's not my point Riri ! "Napataas na rin ang boses ko sa pagiging makitid ng utak nya. Aakusahan nya pa ako may bias sa kanila.
"Wala ako pinapaburan sainyo, pantay pantay ang turing ko sainyo. And as a leader at pinakamatanda na rin sainyo, I am thinking your safety first. Hindi kita pinagbabawalan makipagrelasyon sa kung sino ang gustuhin mo, but this one Riri is different. Ibahin mo ang sitwasyon mo kay Diana, Nag aalala lang ako para sayo para kay Sanya. Paano pag nalaman ng pamilya mo na you're dating with a girl ? Ano sa tingin mo ang mangyayari ? Are you brave enough to fight for her ? Hindi mo ba iiwan si Sanya ?" Diretsa ng tanong ko sakanya na ikinatahimik nya.
Nabibilang si Riri sa pamilya ng politician at base sa assestment ko sa kanila, hindi nila magugustuhan kapag nalaman nila na may dinadate na babae ang anak nila. Kilala at makapangyarihan ang pamilya nila. Yung nakakatanda nya kapatid na lalaki ay mayor ng lungsod nila sa probinsya ng laguna. Yung tatay nya ay kasalukuyan governor sa probinsya nila at base sa pagkakakilala ko sa kanya, sya yung nakakatakot na tatay. Yung mama nya naman ay masyado devoted sa simbahan.
Alam ko din kung gaano katakot si Riri sa tatay nya. Minsan nya na sinabing, kapag sinuway nya ito isang kumpas lang ng kamay nito mawawala sakanya ang lahat. That's why she needs to obey her father sa lahat ng sabihin nito.
Bumuntong hininga ako saka ako humakbang palapit sakanya at saka ko sya hinawakan sa magkabilang balikat.
"Riri, wala ako masama intensyon sa sinabi ko. Parang kapatid na kita kaya Concerned ako sayo, Kay Sanya. Parang hindi mo naman kilala ang pamilya mo, lalo na yung tatay mo. Kapag nalaman nya ang tungkol sainyo hindi lang ikaw ang malilintikan, pati si Sanya. Pag isipan mo muna ng mabuti habang hindi pa masyado lumalalim ang nararamdaman nyo para sa isa't isa kasi hindi magiging madali ang tatahakin mo kapag pinili mo sya. Sinasabi ko ito kasi iniisip ko si Sanya, kung hindi ka sigurado at iiwan mo rin sya kapalit ng pamilya mo. She will be broken at baka mas lalo kayo masira dalawa." - Nikki.
Napayuko ito at hindi sumagot kaya naman muli ako napabuntong hininga. Pinatitigan ko sya ng maigi na mukha in trouble. Parang wala na nga sya maisagot.
"Ng pinili mo makipagdate kay Sanya dapat handa ka sa mga posibleng mangyari. Isang maliit na insekto lang si Sanya para sa Tatay mo kung gagawa ito ng hakbang para paglayuin kayo at maaring madamay pa ang pamilya nya. Handa ka ba doon. ? "Tumigil ako sa pagsasalita saglit bago muli nagpatuloy.
"Pero kung ipipilit mo yung gusto mo. If you're brave enough to stand with her until end. kung handa ka talaga makipaglaban...... I'm all your side. Susuportahan kita, no matter what it takes. Just like what I did to Diana and Aira. I will protect you. We will protect you. "Saad ko.