Chapter 25

8 0 0
                                    

CHAPTER 25

DIANA's POV

Halos kalahating araw namin hinanap si Sanya. Ngunit hindi namin sya makita. Lahat ng posible nya puntahan ay napuntahan na namin pero wala talaga may alam kung nasaan sya. Nakaturn off din ang fon nya kaya hindi namin sya malocate.

"Sigurado ka ba walang alam si Riri kung nasaan si Sanya  ?" Tanong ni Celine.

Nandito kami ngayon sa tapat ng bar na pinuntahan ni Sanya kagabi, nagbabakasali na makita ang babaeng nakalandian nya kagabi. Kung sakali na matyambahan namin sya rito ay tatanungin namin sya kung anong nangyari kagabi o kung ano nya si Sanya.

Sumagi din sa isip ko na baka third party ang dahilan kung bakit nag away sila ni Riri at nauwi sa ganitong eskandalo. Ewan ko, ang gulo gulo nila. Idagdag mo pa sumasakit pa rin ang ulo ko. Hays. !

"Hindi ko rin alam.. baka pag pinilit ko sya sabihin saakin kung nasaan si Sanya ay baka bogahan nya ako ng apoy. Parang hindi mo naman yun kilala, kapag ayaw nya magsalita ayaw nya. Wala tayo makukuha sakanya. "Sabi ko naman saka napasandal sa bintana ng kotse.

Dinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito. Napatingin ako sa labas , kita ko madami na ang pumapasok sa bar. Gabi na rin kasi.

Toktok !

Katok yan sa bintana ng kotse ko. Agad ko naman na binaba ang bintana at bumungad si Luis. Oo, nandito rin sila magkakasama kaming nag aabang. Yung dalawa nandoon sa sasakyan nya.

"Oh bakit ?" Takang tanong ko rito.

"Wala naman. Kanina pa kasi tayo rito. Hindi pa ba dumarating. ?"kunot noong tanong nito. Alam ko inip na inip na ito at badtrip dahil napurnada ang date nila ni Che.

"Sa tingin mo kung nakita na sya ni Celine, nandito pa kaya tayo. ?" Sarkastiko kong sagot.

"Eh suntok sa buwan naman ito paghihintay natin. Paano kayo nakakasigurong dadaan yun ngayon dito. ? Sige nga. "Sarkastiko nya rin tugon.

"Hindi kami naniniguro na dadaan sya dito tungek. ! Nagbabakasali lang na baka magawi sya rito. Wag ka na nga maraming reklamo. "

"Oh pagkatapos ? Pag nakita nyo sya, anong gagawin nyo. ?"

"Eh ano pa. ?! Edi tatanungin kung ano ang relasyon nya kay Sanya. Hays ! Doon ka na nga! Pati ako nabobo sayo. Tsupi. ! "

"Naku !" Inambahan nya ako at pinandilatan ko naman sya ng mga mata.

"Oh ano. !?" Panghahamon ko.

"Tss ! Dyan ka na nga. !" Inis ito tumalima.

"Uy teka. !" Tawag ko muli rito at bahagya ko pa inilabas ang ulo ko sa bintana.

"Ano nanaman. ?!"inis na sigaw nito.

"Bumalik ka rito dali.!"

Napapakamot sa ulong bumalik naman ang uto uto 😂

"Ano. ?!"

"Dito ka na muna, baka dumaan eh. Ikaw na yung lumapit. "

"Ano?! Bakit ako?!"

Nairita ako sa pagsigaw nya. "Pwedi ba wag ka sumigaw ?! Kanina pa rinding rindi ang tenga ko sa mga taong sumisigaw. Para ka si Edwardo ! Tsk. "

"Sino naman Edwardo. ?!"

"Ah basta. !"

"Abnoy !"

"Ikaw. ! ?"

"Tss !"

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon