CHAPTER 27
DIANA's POV
"Hon ! Bilisan mo na dyan. Tatanghalian tayo, dadaan pa tayo ng simbahan. !" Sigaw ni Aira mula sa labas ng kwarto.
"Oo nandyan na. !" Sigaw ko rin pabalik matapos ko ituck in ang shirt ko sa ilalim ng jeans ko suot pagkatapos sinuot ko ang maong ko jacket na color blue, saka sinipat sipat ko ang kabuan ko sa salamin.
"Mukha ka ng action star ngayon.. "Nangiting sabi ko.
Naka black jeans, black Shirt at white adidas shoes lang ako.
"Sige.. dalian mo na. !"Sigaw muli ni Aira mula sa labas.
"Okay ! Dookieee !" Tugon ko naman tapos dinampot ko na rin ang itim ko sombrero at sinuot. Tapos no'n lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko yung dalawa sa sala. As usual nakadress si Aira at..... napataas ang kilay ko ng makita ang outfit ni Czarina. Sinipat ko sya mula ulo hanggang paa.
White sneaker, black fitted kiddie jeans, white plain shirt, Black leather jacket.
WTF !
"Ginagaya mo ako. ?" Nakataas na kilay na sabi ko.
"Of course not. ! Trip ko magsuot ng ganito ngayon. "Nakangusong sabi nito.
"Aish !"
"Ano ba yan. ! Pati ba naman pananamit pagtatalunan nyo pa." Sabat ni Aira. " Pareho naman cute.. "
"Ako lang po ang cute mommy kasi bata pa ako.. si Tita Didi.. Acute. Hahahaha. "
Pareho silang natawa maliban saakin na tinitignan ng masama ang sutil na bata. Puputok nga ang ugat ko sa batang ito, hindi ko kinakaya ang ugali nya.
WALANG MODO. !
"Ikaw din naman, wala ka'ng modo. Quits lang. "Sabi nanaman ng uod sa isip ko.
Anak ka ng !
"Hays !" Inis ako napabuntong hininga.
"Oh... wag na kumunot ang noo mo. Binibiro ka lang ng bata eh, pikon ka na agad. "Natatawang saad pa ni Aira.
"Halika na, bago pa uminit ang ulo ko at hindi ko matantya ang batang yan." Inis na sabi ko at nagpatiuna maglakad.
Sumunod naman ang dalawa saakin. Ngunit pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan na may makikita pa ako hindi kanais nais. Pareho pa kami nagkagulatan ng mapatingin sa isa't isa.
"Uy ! Bilis na ! Ba't ka pa nakaharang dyan sa pin--" Si Aira iyon na napatigil din sa pagsasalita. Malamang nakita nya na ang nasa labas. Nagkatinginan kami ni Aira at nabakas ko sa mukha nya ang pag aalala.
"Aira ?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Edward. "Anong ginagawa mo rito ? Dito ka nakatira ?"
Hindi naman nakasagot si Aira at napatingin pa saakin na parang sinasabing tulungan ko sya. Napabuntong hininga nalang ako saka napatingin kay Edward.
"Ano naman sa'yo kung dito sya nakatira ?" Iritado kong tanong na mas lalong ikinabigla nito.
Parang hindi ko alam, baka nga sinadya nya pumunta rito para kay Aira.
Badtrip din ito'ng lalaking ito. Ang lakas ng pang amoy."Magkasama kayo sa iisang tirahan ?!" Gulat na gulat na tanong nito habang nagpapalipat lipat ang tingin saamin dalawa. Nasa likod namin si Czarina kaya hindi nya pa makita.
"O--"
"Hindi !" Mabilis na sagot ni Aira kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Tumingin ako sakanya ng may pagtataka at tinignan nya naman ako ng makahulugan.