CHAPTER 30
CELINE's POV
*_*
"May sakit si Gabriel !"
"He has brain tumor. hindi pa sya pweding operahan kasi sobrang bata nya pa. Nandito sya ngayon sa hospital taking his dialysis."
"Anong kinalaman ko dun. ?"
"Ang gusto ko lang sabihin.. wag mo na guluhin pa ang isip ni Edward. Ayoko mawalan ng tatay ang anak ko. Masyado sya mahal ng anak ko at gusto nya ng buo pamilya. Kaya sana nakikiusap ako bilang ina... Kahit para kay Gabriel nalang. Wag mo kukunin saamin si Edward. "
*_*
Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa pandinig ko ang mga sinabi ni Abby kanina. Kung tutuusin ay dapat wala na ako pakialam pero ano 'tong nararamdaman ko ? Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko malaman kung bakit hanggang ngayon apektado pa rin ako.
Bakit kailangan magpakita pa sila saakin ?
Bakit kailangan maramdaman ko ulit ang ganitong sakit..
Bakit kailangan ipaalala muli saakin ng puso ko kung gaano ko pa rin sya kamahal.
Nakakainis... sobrang naiinis ako..
Lakad ako ng lakad at hindi ko namalayan nakarating na ako sa isang Park. Naupo ako sa isang bench na nasisilungan ng malaking puno. Perfect para sa pag eemote ko ang weather. Mainit pero dumadampi ang preskong simoy ng hangin sa balat ko.
Napatingin ako sa asul na langit na akala mo makakahanap ako ng sagot sa problema ko.
*_*
"Nangako ako sa sarili ko ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko. Sana ikaw rin.
*_*
"Nangako ka pero hindi mo tinupad at hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil sa pangakong iyon."
Namasa ang pisngi ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Agad ako nangapa sa bulsa ng pants ko ng panyo pero wala ako makapa. Bagsak ang balita na napabuntong hininga ako.
"Need this. ?"
Isang boses ng lalaki.
Dahan dahan ako napaangat ng tingin at bumungad saakin ang isang gwapong lalaki. Maayos ang pananamit nya at hindi kataka taka galing sya sa mayaman pamilya. Nakangiti sya saakin ng bahagya habang inaabot ang puting panyo hawak nya.
"Ano yan ?" Tanong ko.
"Panyo.. I guess. "Pasarkastiko nitong sagot.
"Alam ko panyo yan.. pero bakit mo ibinibigay saakin iyan ?"
"Mmmm. "Napahawak ito sa baba nya saka itinabingi ang ulo nya na parang sinisipat ako.
Agad na nagsalubong ang kilay ko sa kawirduhan ginagawa nya.
"Kasi umiiyak ka.. kaya kunin mo 'to at punasan yan luha mo. Hindi magandang kamay ang gamitin mo sa pagpupunas dahil hindi mo alam kung saan mo inihawak yan. May germs na yan. " sabi nito saka ngumiti ng malaki.
Andaming alam ng lalaking ito.
Napabuntong hininga nalang ako saka kinuha ang panyo nya.
"Thanks.. " Kaswal na sabi ko.
"You're welcome. "
Hindi ko na sya pinansin at pinunasan ko nalang ang luha ko gamit ng panyo nya.
"Can I sit here. ?" Turo nya sa bakante space sa tabi ko.
"Sige lang.. hindi ko naman pag aari to'ng upuan para sabihin ko wag ka umupo dyan. "Tugon ko naman. Tinignan ko sya at nginitian nya naman ako ng malapad. Tapos naupo sa tabi ko.